FDA DG ZACATE GINISA SA SENADO SA KORAPSYON

PUNA Ni JOEL AMONGO GINISA ng mga senador ang bagong talagang Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Samuel Zacate sa isinagawang budget hearing kamakailan. Ayon kay Senator Raffy Tulfo, inamin sa kanya ng dating director general ng FDA na P5-M hanggang P20-M ang hinihingi ng FDA para sa pag-apruba ng produkto na inirerehistro sa nasabing tanggapan. Kaya hinamon ni Sen. Tulfo si DG Zacate na kailangang magsumite sila ng Statement of Asset and Liabilities and Networth (SALN). Hindi lang siya kundi mula sa pinakamababang empleyado (security guard) ang…

Read More

KONSIDERASYON DIN MINSAN, ‘DI PURO BATAS LANG

KAALAMAN Ni Mike Rosario LAGI akong saludo at sumusunod sa bawat batas na ipinatutupad, ika nga masunurin tayong mamamayan ng Pilipinas. Pero minsan ‘pag tao na ‘yung nasasaktan, pag humanity na ang pinag-uusapan, ‘di mo maiwasan na makialam at minsan ikaw pa ‘yung nasasaktan sa mga hinaing ‘pag naipararating sa ating Kaalaman… Kailan lamang ay may lumapit sa atin na isang family driver na nahuli ng Land Transportation Office (LTO) enforcer nang walang seat belt, sumikip daw ang paghinga niya kaya tinanggal saglit at natiyempuhan siya, ‘di siya pinagbigyan nang makiusap…

Read More

PAGPAPAHALAGA SA KARAPATAN AT KAPAKANAN NG MGA HAYOP, DAPAT PAIGTINGIN

SA GANANG AKIN NI JOE ZALDARRIAGA MARAMING mga hayop sa bansa, partikular na ang aso at pusa, ang pagala-gala lamang dahil walang pamilyang nag-aalaga sa kanila. Tayong mga tao bilang pinakamataas na uri ng nilalang ay may responsibilidad na pangalagaan, pahalagahan at bigyang proteksyon ang mga hayop dahil ang bawat buhay sa mundo ay mahalaga. Ang mga aso at pusa na nakikita sa lansangan ay wala naman ibang hangad kundi ang makakain, makainom, at makahanap ng lugar kung saan ito maaaring matulog at magpahinga kapag nakararamdam ng pagod. Nangangailangan sila…

Read More

PIGILAN ANG PAGSADSAD NG EDUCATION SYSTEM – VP SARA

TARGET NI KA REX CAYANONG MAHALAGA sa bagong henerasyon ang edukasyon. Kaya mainit itong pinag-uusapan ngayon. Maituturing namang hamon sa administrasyon kung paano patatakbuhin nang tama ang sistema. Siyempre, dapat akma ito sa kasaysayan, siyensiya, panitikan at iba pang aspeto. Si Vice President Sara Duterte-Carpio ang namumuno ngayon sa Department of Education (DepEd). Tunay na malaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanya sa pagsulong ng edukasyon at sa ating kasaysayan kung hindi ito pagtutulungan ng lahat. Humihina raw ngayon ang sistema na tinutugunan naman ni VP Sara. Aba’y binigyang diin niya…

Read More

TULUNGAN ANG BI NA MAKABANGON

BISTADOR RUDY SIM NAGING paboritong sawsawan na ng ilang mga pulitiko sa ating bansa ang isang ahensya ng ating pamahalaan na kung ating titingnan ay masyado nang bugbog at halos hindi na makabangon dahil sa patuloy na paninira sa pangalan ng ahensya na hindi naman nararapat. Sa nakaraang mga pagdinig sa Senado sa umano’y katiwaliang nangyayari sa Bureau of Immigration (BI) ay iba’t ibang kuwento ang ating narinig na may kinalaman sa katiwalian na sa mata ng taumbayan ay agad nang nahusgahan ang BI at hindi nabigyan ng patas na…

Read More

KARANGYAAN O SAGRADO?

DUMARAMI ang naniniwalang hindi na kailangan ang kasal bago magsama ang pareha. May mga rason para mabawasan ang nananalig na dapat kasal muna bago pisan. Tumaas ang bilang ng common-law o live-in couples sa bansa sa 12.66 milyon sa pagitan ng taong 2015 at 2020. Sila ang pareha na nagsasama nang walang kasal o legal na relasyon. Ayon sa pinakahuling census ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 14.7 porsyento ng 86.33 milyong indibidwal na edad 10 at pataas noong 2020 ay nasa common-law relationship, mas mataas ng 9.2 porsyento o…

Read More

PAGKATAPOS NG KAKULANGAN NG SIBUYAS, BALAT SIBUYAS NAMAN

MY POINT OF BREW Jera Sison TILA bumabalik na sa wastong presyo ang sibuyas sa ating merkado. Sa katunayan makikita na natin sa mga palengke at supermarket ang mga puti at pulang sibuyas na nasa P200 kada kilo o mas mababa pa dito. Ang mga shallots o sibuyas tagalog (yung maliliit na sibuyas) na naging alternatibo sa regular na sibuyas ay unti-unting babalik bilang hindi pangunahing uri ng sibuyas na tinatangkilik ng mga mamimili. Sa katunayan, ang Kongreso ang nagsasagawa ng imbestigasyon ngayon upang malaman ang puno’t dulo kung bakit…

Read More

PRO3 DIRECTOR P/BGEN. PASIWEN KINALAMPAG SA ILEGAL NA SUGAL

BALYADOR ni RONALD BULA MASIDHI ang pagnanais ni PNP chief, Rodolfo Azurin Jr., na tapusin na ang matagal nang pamamayagpag ng mga operasyon ng ilegal na sugal sa bansa. Pero tulad ni noo’y OIC PNP chief, Vicente Danao na napurnada ang anti-gambling crusade, tila hindi magtatagumpay si Gen. Azurin. Ipinag-utos noon ni Danao ang ‘no-nonsense’ vice operations na sanhi ng pagkakatanggal ng PNP officials na ‘di sumusunod sa kanyang utos. Ganyan din ang ginagawa ngayon ni Azurin, pero ang nakapagtataka, ang sugal ay ‘di naman nawawala, bagkus dumarami pa. Dangan kasi,…

Read More

CONG. AMBEN AMANTE AT MAYOR MAX ROXAS, LAGING MAAASAHAN!

TARGET NI KA REX CAYANONG ABA’Y laging maaasahan ng kanyang nasasakupan si Laguna 3rd District Rep. Loreto “Amben” Amante. Super sipag naman kasi ng solon at halos wala nang pahinga sa paglilingkod sa ikatlong distrito. Kamakailan naman, nasa 1,500 Japanese business firms ang nagpakita ng interes sa Philippine Business Opportunities Forum sa Japan. Kung matatandaan, nagtungo roon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa limang araw na working visit kung saan kasama pala sa grupo ni Cong. Amante. Bukod kay Amante, kasama rin sa biyahe si House Speaker Martin Romualdez…

Read More