MY POINT OF BREW NI JERA SISON NAPAKALUNGKOT ng sinapit ng dating overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara sa kamay ng mga amo nito sa Kuwait. Ang balita ng kanyang pagkamatay ay nagdala ng matinding lungkot at galit sa sambayanang Pilipino. Wala pa mang isang taong paninilbihan nito sa ibang bansa, trahedya na ang inabot ng 35-anyos na OFW na ang layunin lamang ay mabigyan ng mabuting buhay ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Jullebee. Nagluluksa ang buong bansa at nakikiisa sa…
Read MoreCategory: OPINYON
HINDI PA TAPOS ANG PROBLEMA NG ABANDONED BALIKBAYAN BOXES SA BOC
RAPIDO NI PATRICK TULFO HINDI pa tapos ang problema ng abandonadong balikbayan boxes sa Bureau of Customs (BOC). Sa pinakahuling panayam namin kay Director Michael Fermin, na siyang naatasan na humawak sa isyung ito, sinabi nito na dalawang Allwin containers (1140-1141) ang hindi pa nailalabas dahil sa bayarin sa Philippine Ports Authority na kanila na raw inaayos. But the problem is far from over, dahil ayon sa mga kababayan nating dumulog sa aming programa sa isyung nabanggit, marami ang hindi pa naide-deliver at marami rin ang nawawalang mga kahon na…
Read MorePAGBUWAG SA BI-POD SET-UP?
BISTADOR ni RUDY SIM PORMAL nang nilusaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang Port Operations Division ng Bureau of Immigration matapos ang kaliwa’t kanang kontrobersya na muling yumanig sa ahensya sa kasalukuyang pamahalaan. Nagpalabas si Remulla ng Department Order No.064 kung saan ay ipinag-utos nito na ibalik sa kanyang mother unit sa Legal Division ng BI si POD acting chief, Atty. Carlos Capulong. Ang POD ang siyang nangangasiwa sa pagbantay sa gate papasok at palabas ng ating bansa upang protektahan ang pambansang seguridad at protektahan ang…
Read MorePROTEKTOR NG ILEGAL NA SUGAL SA ORIENTAL MINDORO SASABIT SA INTERNAL CLEANSING NG PNP
BALYADOR ni RONALD BULA TIYAK na “sasabit” ang ilang PNP officials sa Oriental Mindoro kapag mahigpit na paninindigan ni PNP chief, General Rodolfo Azurin ang paglilinis sa hanay ng pulisya batay sa naunang polisiya ng Philippine National Police (PNP) na internal cleansing sa loob ng naturang organisasyon. Kabilang sa posibleng sumabit ay mga chief of police at provincial director ng Oriental Mindoro dahil sa ‘di masugpong operasyon ng iligal na sugal na kung tawagin ay “drop ball baraha” (Pingpong), at “color games” na talamak ngayon sa nasabing probinsiya na sinasabing…
Read More52ND SEAMEO COUNCIL CONFERENCE AT TRANSPARENT GOVERNANCE SA QUEZON
TARGET NI KA REX CAYANONG UMARANGKADA na nga pala ang ika-52 Southeast Asian Ministers of Education Organization Council Conference (SEAMEO) sa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City nitong Miyerkoles. Ang pagbubukas ng SEAMEO Council Conference ay pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio. May temang “Transformation through Learning Exchange: Building Resilient Systems as a Region,” ang event ay dinaluhan ng mga delegasyon mula sa 11 bansa mula sa Timog-Silangang Asya. Kasama rito ang Pilipinas bilang host, Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor-Leste at Vietnam. Muling…
Read MoreMAG-RETIRE NA LANG KASI NANG TULUYAN
DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMI ang tumaas ang kilay sa panukala ng apat na senador na bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga dating pangulo ng bansa dahil hindi pa tapos ang kanilang trabaho kahit wala na sila sa puwesto. Sabi ng netizens, sipsip bill ang inihain ng mga bata ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sina Sens. Bong Go, Bato dela Rosa, Francis Tolentino at Mark Villar dahil isang tao at pamilya nito ang makikinabang dito. Ang patakaran sa paggawa ng batas, dapat lahat ng mamamayang Pilipino ang makikinabang pero…
Read MorePAGPAPADALA NG PINAY DH SA KUWAIT TIGILAN NA
PUNA Ni JOEL AMONGO NAGIGING paulit-ulit na lang ang problema ng mga Pinay domestic helper sa Kuwait na hanggang ngayon ay hindi nareresolba ng ating gobyerno. Batay sa nakuhang impormasyon ng PUNA mula mismo sa mga nanggaling at nagtrabaho sa Kuwait, talagang maraming inaapi, minamaltrato na humahantong sa kamatayan ng Pinay domestic helper sa bansang ito. Tulad halimbawa ang kanilang sweldo, pag-alis nila sa Pilipinas, ang kanilang pinirmahang kontrata ay P25K kada buwan, pagdating sa Kuwait ay daraan na naman sa panibagong agency kung saan ay nababago ito at hindi…
Read More‘PAG MAY ALAK, MAY BALAK?
SA gitna ng pagsipa ng bilang ng mga estudyanteng nagpapatiwakal sa nakalipas na dalawang taon, hiniling ng isang kongresistang aktibista sa Palasyo na magdeklara ng Mental Health Emergency sa lalong madaling panahon. Sa kabilang bakuran ng lehislatura, mungkahing solusyon ng isang senador, higpitan ang bentahan ng alak sa hanay ng mga kabataan. Ang totoo, higit pa sa mahigpit na regulasyon sa pagbebenta ng alak ang kailangan para mapigilan ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na kabataan. Mas angkop kung pag-aralan ang ugat ng suliraning bumabalot sa mga…
Read MorePANUKALANG BATAS NI CONG. DAZA, MABIGAT NA PARUSA SA MGA MAGULANG NA AYAW MAGBIGAY NG SUSTENTO
RAPIDO NI TULFO BABALA sa mga ama o ina na hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak dahil kapag naging isang ganap nang batas ang panukala ni Northern Samar 1st District Rep. Paul Ruiz Daza, mabigat ang magiging parusa sa mga gumagawa nito. Ayon sa panukalang batas ni Cong. Daza, na tinawag na “An Act Ensuring Child Support and Penalizing Parental Refusal or Neglect Thereof”, magkakaroon ng criminal liability ang mga magulang na hindi magbibigay ng suportang pinansyal (child support) sa kanilang mga anak. Layunin daw ng panukalang batas…
Read More