BALYADOR ni RONALD BULA KUNG nangangailangan nang agarang atensiyong medikal, o ‘di kaya ay nasa tamang kondisyon na upang makalabas ng ospital pero walang pambayad, mayroong ilang batas na maaaring sandalan. Kapag magaling na ang isang pasyente at nabigyan na ng doktor ng permiso upang ma-discharge sa ospital, hindi na maaaring pigilan ng kahit sinong opisyal o empleyado ng ospital ang paglabas nito. Hindi rin maaaring i-hostage ang isang bangkay dahil lamang hindi pa nababayaran ng mga kamag-anak ang bills sa ospital. Ito ay ayon sa batas na Republic Act 9439…
Read MoreCategory: OPINYON
ACT-CIS PARTY-LIST TULOY-TULOY ANG SERBISYO PUBLIKO
TARGET NI KA REX CAYANONG NGAYONG 2023, mas pinalawak at mas pinalakas pa ang public service ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list. Kung hindi ako nagkakamali, sina Rep. Edvic Yap, Rep. Jocelyn Tulfo at Rep. Jeffrey Soriano ang kasalukuyang mga kinatawan ng partido ngayong 19th Congress. Si dating DSWD Sec. Erwin Tulfo naman ang kanilang chairman. Napabalitaan ng inyong lingkod na nagbalik na pala si Sec. Tulfo sa ACT-CIS Action Center. Kamakailan, sa pakikipagtulungan ng ACT-CIS Party-list at Erwin Tulfo Action Center sa LITRO Babies Philippines,…
Read MoreBULLYING SUPILIN
UMABOT sa kabuuang 264,668 kaso ng physical bullying sa paaralan ang naitala ng Department of Education noong School Year 2021-2022. Bukod dito, naitala rin ang 7,758 kaso ng cyberbullying, 7,800 ng gender-based bullying, at 17,258 cases ng social bullying. Sa kabila nito, pinaniniwalaang marami pang mga kaso ang hindi naiuulat. Ito ay dahil takot ang mga biktima at pakiramdam nila ay walang makatutulong at papanig sa kanila. Ang nangyayari ay paulit-ulit silang aapihin, aagrabyaduhin, aasarin kaya lalong umiinit ang pang-aabuso. Ang inilunsad ng DepEd na helpline para sa mga estudyante…
Read MoreCHINA NANGDIDIKTA SA PINAS?
DPA Ni Bernard taguinod NABENTA na ba talaga tayo dahil tila ang lakas ng loob ng China na diktahan tayo kung ano ang dapat nating gawin para maprotektahan ang ating seguridad na kanilang sinasalaula dahil alam nilang wala tayong laban sa kanilang military might? Ang lakas ng loob ng China na balaan tayo at dahan-dahan sa pakikipag-ugnayan sa Amerika nang pumunta dito si US Defense Secretary Lloyd Austin para ikasa ang karagdagang apat na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) locations sa Pinas. Hu u? Dehadong-dehado tayo sa China sa West…
Read MorePARA KANINO BA ANG KALSADA?
KAALAMAN Ni Mike Rosario MASARAP makita na hindi nahihirapan ang mga commuter ‘pag nakikita mo na mabilis ang mga bus na dumadaan sa EDSA dahil sa bus lane. At lalong napakasarap isipin na may batas na umiiral sa Pilipinas kung nababasa mo sa social media SPORTS CAR, na ang dumaan sa bus lane ay pinadadalhan ng subpoena, SUV na nangahas dumaan sa naturang linya ay sinuspinde ang lisensya, astig na astig tingnan ang batas natin, walang inuurungan at talaga namang ginagamit ang kanilang kapangyarihan para ipatupad ang batas. Subalit sa…
Read MoreCOURTESY RESIGNATION TAGUMPAY, PERO….
PUNA Ni Joel Amongo MATAGUMPAY nga ang panawagan o apela ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa courtesy resignation ng full coronels at generals, pero malabong maresolba ang pagkakasangkot ng mga ito sa illegal drugs. Sa isinagawang press conference ni Abalos kamakailan sa Palasyo ng Malakanyang, kasama ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr., lumalabas na mula sa 955 full coronels at generals, 12 nito ang hindi nag-file ng kanilang resignation. Ang 5 ay retired na raw at ang 6 ay magreretiro…
Read MoreBIVALENT VACCINE KONTRA COVID-19, NALALAPIT NA ANG ROLLOUT
HALOS tatlong taon na mula nang nagsimula ang pandemyang COVID-19 at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mutation nito. Sa Pilipinas, nananatili sa mababang numero ang bilang ng mga bagong kaso kada araw kaya naman patuloy ang pagbabalik sa normal ng takbo ng buhay. Tila natuto na ang mga Pilipino na mamuhay nang normal sa kabila ng pananatili ng virus. Noong huling bahagi ng taong 2022, nagsimulang umugong ang mga balitang magsisimulang pumasok sa bansa ang mga 2nd-generation COVID-19 vaccine o mga bivalent vaccine sa taong 2023. Marami ang…
Read MoreMGA PRAYORIDAD NI VP SARA BILANG DEPED SECRETARY, INILATAG
MAS tututukan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro, mag-aaral, at maging ang imprastraktura upang tugunan ang mga hamon sa basic education system ng bansa. Ito ang patuloy na isusulong ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng kanyang termino bilang DepEd Secretary. Sabi nga ni VP Sara: “Tututukan natin ang mga teachers, learners, at ang ating school infrastructures.” Kamakailan ay dumalo siya sa awarding ceremonies ng Aklan’s Ten Outstanding Mentors (ATOM) na ginanap sa Augusto B. Legaspi Memorial Sports and Cultural Complex kung saan niya isiniwalat ang kanyang…
Read MoreTAIWANESE INMATE SA BI JAIL LUSOT SA INSPECTION?
NAGSANIB puwersa ang Philippine National Police , NCR at ang mga tauhan ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration sa isang surprise inspection sa BI custodial facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City na nagresulta ng positibong impormasyon na ating nauna nang ibinisto kaugnay sa ilegal na aktibidad ng ilang tiwaling tauhan ng BI. Nakumpiska ang ilang mamahaling gadgets, internet routers at malaking halaga ng salapi sa kulungan ng apat na Japanese national na fugitive sa kanilang bansa at sangkot sa malaking robbery group, na nagagawa pang mag-operate ang…
Read More