MY POINT OF BREW KUNG totoo man itong balita, ako ay muling nalaglag sa aking upuan. Alangya. Tiba-tiba na naman ang mga tinatawag na ‘middle man’ na nagbabagsak ng mga produktong sibuyas sa ating mga palengke. Malamang ay napakaganda ng kanilang Pasko. Hindi ako magtataka kung pati sa Santa Klaus ay nalaglag sa kanyang magik na sinasakyan nang malaman niya kung gaano pinagsamantalahan ng ibang tao ang paghihirap ng karamihan ng ating mamamayan noong kapaskuhan. Ayon kasi kay municipal agriculturist Romel Calingasan ng San Jose, Occidental Mindoro na may mga…
Read MoreCategory: OPINYON
IMMIGRATION SA CLARK AIRPORT, SABIT NA NAMAN!
BISTADOR Ni RUDY SIM HINDI pa man nakababangon ang Bureau of Immigration sa bangungot na idinulot ng maruming laro ng pulitika ay muling idinadawit ang ilang mga tauhan ng BI na responsable umano sa ilegal na aktibidad dito partikular ang pagpapalusot ng ilegal na mga pasahero na nais magtrabaho sa ibang bansa nang walang kaukulang working permits. Kamakailan lamang ay ating ibinisto ang katiwaliang nangyayari umano sa Clark International Airport na inalmahan ng mas maraming kawani ng ahensya na ang nais ay maibangon ang karangalan at malinis laban sa tiwaling…
Read MoreTINAGURIANG MGA LINGKOD-BAYAN SA ORIENTAL MINDORO, MALULUHO PALA?
BALYADOR ni RONALD BULA SA GITNA ng suliranin kung papaano maresolba ang kakulangan ng gamot at delay na sweldo ng health workers sa Oriental Mindoro Provincial Hospital ay nakuha pa umanong bumili ng siyam na mamahaling sasakyan (Fortuner) ang Sangguniang Panlalawigan. Taong 2019 hanggang 2021 nang mananalasa ang COVID-19 na marami ang nasawi, nawalan ng trabaho at pangkabuhayan, imbes tulungan ay bumili rin ng heavy equipment (backhoe at dump truck) ang provincial government na ayon sa ulat, gumastos ng mahigit P60-milyon?! Mainit din na pinag-uusapan ngayon sa loob ng KAPITOLYO…
Read MoreMEDICAL SERVICES SA QUEZON ABOT-KAMAY NA – GOV. HELEN TAN
SABONG ON AIR ni KA REX CAYANONG LALONG pagpapalakas ng programang pangkalusugan ang prayoridad ni Quezon Gov. Helen Tan. Katunayan, inanunsiyo ni Tan na ang lahat ng Chief of Hospital at Administrative Officer ng mga pampublikong ospital ng lalawigan ay nagkaroon ng pagpupulong. “Isa sa binigyang diin ay ang pagtatatag ng Health Navigation and Referral System sa probinsya,” wika ng masipag na gobernadora. Sinabi ni Tan na karamihan sa mga pasyente ng mga pampublikong ospital ay talagang mahihirap na mas nangangailangan ng abot-kamay at maayos na assistance. Kaya naman, nais…
Read MoreSOLUSYON HINDI IMPORTASYON
TUMAAS na ang presyo ng mga cake, pastelerya at ilang tinapay dahil sa pagmahal ng mga sangkap tulad ng asukal at itlog. Pagtaas ng presyo ng kanilang produkto ang sagot ng grupo ng mga panadero dahil hindi naman nila pwedeng bawasan ang paggamit ng itlog at asukal dahil ito ang mga pangunahing sangkap sa mga produkto. Muli namang nilinaw ng Samahang Industriya ng Agrikultura na ang pagtaas ng presyo ng itlog ay dahil pa rin sa epekto ng bird flu. Nagpiket naman ang ilang grupo sa harapan ng Department of…
Read MorePAGLAGO NG EKONOMIYA INAASAHAN NGAYONG TAON
OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO NASA Davos, Switzerland ngayon si Pangulong Bongbong Marcos para dumalo sa World Economic Forum (WEF), at base sa mga naglalabasang ulat ay positibo naman ang resulta ng mga pakikipagpulong niya sa iba’t ibang dayuhang ‘captains of the industry’ at kapwa niya lider ng mga bansa. Maraming kritiko ang pumupuna sa madalas umanong pagbiyahe sa abroad ni PBBM subalit suportado natin siya sa ginagawa niyang ito. Mahalagang personal niyang maipabatid sa kapwa niya mga lider at maging sa potential foreign investors ang mga hakbanging ginagawa niya…
Read MoreSINAYANG LANG
DPA Ni Bernard taguinod ISA sa mga kinaiinisan ng mga tao noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay ang pagsira sa mga waiting shed sa pangunahing mga lansangan sa buong bansa. Ang isa sa pangunahing problema noong panahon ni Digong habang si Eduardo Año ang Secretary ng Interior and Local Government, ay ang masisikip na kalsada sa Metro Manila. Kinopya nila noon ang pakitang gilas ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa paglilinis sa mga lansangan sa kanyang lungsod. Inalis ang nakahambalang na mga istruktura sa mga kalsada sa…
Read MoreBATAS KONTRA PANGGULO
PUNA Ni JOEL AMONGO PARA sa isang demokratikong bansa, malaking bentahe ang halalan. Dangan naman kasi sa halalan naririnig ang sentimyento ng mas nakararami. Walang kinikilalang estado sa buhay – basta Pilipino, nasa hustong gulang at rehistrado, pwedeng bumoto. Subalit sa nakalipas na mga panahon, mistulang binaboy ang haliging patunay ng malusog na demokrasya. Ang mga karapat-dapat ay natatalo bunsod ng kawalan ng sapat na perang pantustos sa kampanya o ‘di naman kaya’y dahil sa maruming pulitika. Kaya naman ang solusyon –isang batas para sa mas maagang paghahain ng Certificate…
Read MoreMARAMING BILIB KAY NCRPO CHIEF JONNEL ESTOMO
BALYADOR Ni RONALD BULA NALALAGAY ngayon sa balag ng alanganin o kontrobersya ang hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos na manawagan si Department of The Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ng ‘courtesy resignation’ sa mga general at colonel para sa pinaigting na internal cleansing sa police organization dahil sa isyu ng lumalalang problema sa droga. Binuo ang 5-Man Committee ni Sec. Abalos na siyang mag-iimbestiga sa mga sangkot sa kalakalan ng ilegal droga ng mga sindikato, maging ang tinatawag na “ninja cops” at “scalawags” na nagsisilbing…
Read More