NAARESTO na at naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang suspek sa isa sa dalawang rape case na aming hinawakan nito lang nakaraang taon. Ang suspek na tiyuhin pa man din ng dalawang biktima, ay nasampahan ng kasong rape at act lasciviousness sa Bataan Provincial Prosecutor’s Office sa tulong ng Women’s and Children’s Desk ng PNP sa Samal, Bataan, kung saan naganap ang krimen. Ang dalawang kaawa-awang magkapatid na biktima ay mga menor de edad palang nang maganap ang krimen at inabot ng ilang taon bago nakapagsabi ang mga…
Read MoreCategory: OPINYON
HUMAN RIGHTS WATCH BA KAMO?
ANG tanong, kailan ba nag-report ng pabor sa gobyerno ‘yung grupo ng human rights watch. Ang ‘di ko lang maintindihan bakit ang grupong ito ay laging pinupuntirya ang pamahalaan? Bakit kaya hindi nila tingnan din kung ano ang mga ginagawa ng mga kriminal o sindikato na siyang talagang puno’t dulo ng kaguluhan at patayan sa ating bansa. Bakit palagi na lang nilang sinisisi ang gobyerno kung mayroong napapatay na mga sangkot sa ilegal na droga? ‘Di ba nila naiisip na kaya patuloy ang mga patayan kapag sangkot ang ilegal na…
Read MoreMASS WEDDING HANDOG NI MAYOR MAX ROXAS
LAGING busy sa trabaho ang mag-amang Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas ng Paniqui, Tarlac. Marami nga ang nagtatanong kung natutulog pa ba sila. Well, ipinanganak kasi silang public servants kaya ganyan sila. Pagtulong sa mga nangangailangan at kababayan nila ang kanilang prayoridad. Sunod-sunod ang mga programa at proyekto nila ngayong taon para sa kanilang constituents. Siyempre, kasama na riyan ang Libreng Mass Wedding. “Nalalapit na naman ang araw ng mga puso, kung kaya ang Pamahalaang Bayan ng Paniqui ay muling magsasagawa ng Libreng Mass Wedding na gaganapin…
Read MorePARLIAMENTARY FORM OF GOVERNMENT DAPAT NA SIGURO
DPA ni Bernard taguinod SIGURO dapat nang pag-isipan na palitan ang sistema ng gobyerno at itulak ang parliamentary form of government mula sa kasalukuyang presidential form na mukhang hindi na ubra sa atin. Habang tumatagal kasi palala nang palala ang sistema ng presidential form of government at patindi nang patindi ang pulitika sa ating mahal na bayan dahil sa ganitong porma ng pagpapatakbo sa gobyerno. Baka sakali rin na mawala na ang bilihan ng boto kapag parliamentary form ang gamitin natin, na siyang dahilan kung bakit tanging ang mga may…
Read MoreGIBAIN ANG KARTEL NG SIBUYAS AT ASUKAL
OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO MATAPOS ang ilang buwang pagsasamantala at panggugulang ng mga tusong negosyante, malaki ang kumpiyansa ng pamahalaan ni Pangulong Bongbong Marcos na magbabalik na sa normal na halaga ang sibuyas at asukal sa darating na mga araw. At isa sa mga naisip na solusyon ng pamahalaan ay ang pagtatalaga ng hanggang dalawang buwang buffer stock para matiyak ang kasapatan ng supply ng nasabing mga produkto at pigilan din ang pagsipa ng presyo ng mga ito. “We will maintain from now on, in sugar, a two-month buffer…
Read MorePRESYO NG SIBUYAS BUMABABA NA
KAALAMAN Ni Mike Rosario SANA ay magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng sibuyas dahil tapos na ang holiday season. Mula sa dating P600 kada kilo ng pulang sibuyas ay nasa P400 na lang ngayon. Bagama’t dalawang daang piso ang ibinaba ng kada kilo ng sibuyas ay mataas pa rin ito mula dating nakasanayan na presyo nito sa mga palengke. Kung tutuusin, sa P400 kada kilo ng sibuyas ay mahal pa rin ito para sa mga Pilipino dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tayong nakababawi sa epekto ng COVID-19.…
Read MoreTEVES KAY SILG ABALOS: ‘WAG AKONG PERSONALIN
PUNA Ni JOEL AMONGO DAHIL ba ayaw ko ng shortcut na ginawa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na apela niyang courtesy resignation sa full coronels at generals sa Philippine National Police (PNP), ay pinipersonal niya ako? ‘Yan ang katanungan ni Negros Oriental 3rd District Cong. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr., kay Abalos sa harapan ng mga taga-media sa isinagawang press conference sa Valle Verde Country Club, Pasig City noong Huwebes, Enero 12, 2023. Kasama ni Teves sa nasabing prescon ang kanyang legal team sa…
Read MoreABALOS INUPAKAN NI TEVES
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TILA lumalala ang isyu ukol sa courtesy resignation. Paano naman kasi, maging si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves, Jr., ay pumasok na rin sa eksena. Inupakan niya si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos dahil ipinakikita raw nitong hindi ito karapat-dapat sa tungkulin. Kung matatandaan, pinuna ng mambabatas ang estilo ng kalihim sa programa nito laban sa droga. Sabi ni Teves, aba’y ang apela raw ni Abalos sa mga top brass ng Philippine National Police…
Read MoreSABLAY ANG PAKIKIALAM NI ALBAY CONG. SALCEDA SA SUBIC
ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR. MALI at malisyoso ang paratang ni Albay 2nd District Representative Joey S. Salceda na dahil may nahuhuling mga nagtatangkang mag-“smuggle” lalo na ng “agricultural products” sa Subic Bay Freeport, ay pugad na ito ng “smuggling”. Ito Ang Totoo: Nahuhuli nga ang mga tangkang pag-smuggle kaya ibig sabihin, hindi makalulusot ang ilegal na gawaing ito sa Subic Bay Freeport. Ano po kaya ang mahirap maintindihan dito ni Cong. Salceda? Sa halip na pagbintangan ng masama, dapat nga pinupuri ni Cong. Salceda ang mga…
Read More