DPA Ni BERNARD TAGUINOD PURO lang tayo ngawngaw kapag nagkakaroon ng hoarding at price manipulation sa mga produktong agrikultura at kapag bumababa na ang presyo ay tahimik na lahat at nakalimutan nang parusahan ang mga nagsamantala sa mga consumer. Noong 2014, panahon pa ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ay sumabog ang overpriced na bawang na umabot ang presyo ng hanggang P400 kada kilo. Nagsagawa ng imbestigasyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso at may natukoy na mga taong nasa likod ng manipulasyon ng presyo ng bawang kaya abot langit…
Read MoreCategory: OPINYON
ANG MABIGAT AY NAGIGING MAGAAN SA PAGTUTULUNGAN
PUNA Ni JOEL AMONGO ISA ang PUNA sa media na naka-SAKSI sa pamimigay ng groceries at gamot na tulong ng iba’t ibang grupo sa tribong Dumagat sa Sitio Karahume, Brgy. San Isidro, San Jose del Monte, Bulacan noong nakaraang Biyernes, Enero 6, 2023. Nag-ambag-ambag sina Cindy Joyce Alcanzo ng FC Scrap Trading, Solomon Jover, Michael Miranda ng SLSJ Trucking, ALEE Rendering Facility at Skinfine SPA & Salon, para makaipon ng groceries at mga gamot para sa mahigit 300-katao sa tribo ng Dumagat at iba pa sa lugar. Siyempre, kasama riyan…
Read MoreAKSYON NA NAGBUBUNGA NG PAGDUDUDA
NANAWAGAN si DILG Secretary Benhur Abalos sa mga full-fledged colonel hanggang heneral na magpasa ng courtesy resignation para malinis ang hanay ng pulisya matapos madawit ang ilan sa kanila sa ilegal na droga. Isang limang-miyembrong komite ang magsusuri sa records ng mga opisyal ng PNP, para masala kung sino-sino ang sangkot sa ilegal na droga. Handa namang tumalima ang PNP sa hiling ni Abalos bilang pagsuporta. Naghain na ng kanyang courtesy resignation si PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr., nitong Enero 5. Hinimok din ni Azurin ang iba pang matataas…
Read MoreOPD BUILDING PARA SA QUEZON MEDICAL CENTER HANDOG NI GOV. HELEN TAN
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG LAGING prayoridad ni Quezon Gov. Helen Tan ang kanyang nasasakupan. Ayaw niyang makitang nahihirapan ang mga ito. Kaya kapag may nakita siyang problema ay agad niyang binibigyan ng solusyon. “Noong nag-ikot tayo sa QMC [Quezon Medical Center], nakita natin na marami talagang dapat ayusin sa ospital. Siksikan ang mga pasyente habang ang mga outpatient ay hindi organisado at hindi alam kung saan pupunta,” wika ng masipag na gobernadora. Kaya masaya niyang inanunsyo na magkakaroon na ng bagong Outpatient Department (OPD) building ang QMC.…
Read MoreMATAAS NA ANTAS NG INFLATION SA BANSA, DAPAT TUTUKAN AT TUGUNAN
SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA SA tuwing pumapasok ang Bagong Taon, napupuno ng pag-asa ang karamihan sa atin dahil ito ay sumisimbolo sa bagong simula. Subalit, tila hindi ganoon kaganda ang simula ng taon para sa ekonomiya at para sa bayan dahil sa balita ukol sa napakataas na inflation rate noong Disyembre 2022 na naitala sa 8.1%. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 5.8% ang average na inflation rate nitong taong 2022. Ang pagtaas ng inflation rate ay epekto ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produkto…
Read MorePERA-PARAAN SA PALIPARAN
HINDI na bago ang diskarteng pilipit sa mga tanggapan ng pamahalaan. Marami ang gumagawa ng pera sa paraang pandurugas. Meron din naman nangingikil at ang iba’y tumatabo sa komisyon sa bonggang proyektong isinusulong. Sa malaking kahihiyang dulot ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), marami ang nagduda. Dangan naman kasi, una nang lumutang ang masidhing planong pagsasapribado ng paliparan. Totoong nakadududa ang aberya sa NAIA kung saan nasa 56,000 biyahero at tone-toneladang kargamentong lulan ng hindi bababa sa 361 domestic at international flights ang naantala. Higit pa sa perwisyo…
Read MoreDR. MONTE TOLENTINO PINATATAKBO BILANG KAPITAN NG BRGY. SAN JOSE, ANTIPOLO
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MEDYO malawak ang trabaho ng mga barangay official lalo na ng mga tserman. Kaya kapag sumabak ka rito, dapat handa ka. Dapat sanay ka sa public service. Ang mga kapitan o tserman ang nagpapatupad ng mga batas at ordinansa na naaangkop sa barangay. Handa silang makipagtalakayan at mangontrata para sa barangay sa pahintulot ng Sangguniang Barangay (SB). Napapanatili nila ang kaayusang pampubliko. Sila rin ang tumutulong sa alkalde at sa Sangguniang Panglungsod (SP) sa kanilang mga tungkulin. Nagpapatawag din sila at nangangasiwa sa…
Read MoreBI OFFICIAL SINIBAK ANG TAUHAN DAHIL BINUKULAN SA KITA?
BISTADOR NI RUDY SIM BAGONG taon na pero may ilang mga kawani pa rin ng ating pamahalaan ang hindi pa rin makuntento sa kanilang pagpapayaman sa sarili gamit ang pang-aabuso sa kapangyarihan. Isa na rito ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration na itatago natin sa pangalang alias “Budoy” na ayon sa ating nakalap na impormasyon ay parang batang paslit kung mag-inarte makaraang tapyasan ito ni BI Commissioner Norman Tansingco ng pakpak upang hindi na muling makalipad nang mataas na lumampas na sa kanyang limitasyon. Minsan nang nag-alsa-balutan…
Read MorePAGKAKASANGKOT NG ILANG OPISYAL NG PNP SA ILLEGAL DRUGS, ‘DI NA BAGO!
RAPIDO Ni PATRICK TULFO HINDI na bago ang rebelasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ukol sa pagkakasangkot ng ilang miyembro ng Philippine National Police sa ilegal na droga. Kung inyong matatandaan, ilang mga opisyal ng PNP ang pinangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa unang buwan pa lang ng kanyang termino na diumano ay sangkot sa bentahan ng illegal drugs sa bansa. Ang panawagan ng kalihim ng DILG ay nag-ugat sa nadiskubre nilang pagkakasangkot ng ilang tauhan at opisyal ng pulisya at Philippine…
Read More