SA oras na kailangan ang kalinga, sa panahong malapit nang tawirin ang dapithapon, ipagkakait pa ba sa matatanda ang aruga at pangangalaga na dapat ibigay at ipadama sa kanila ng kanilang pamilya? Tatanda ka rin. Ito ang birong madalas ipukol sa mga kabataan na hindi batid kung ano ang kinakaharap at saloobin ng matanda. Kaya dapat maintindihan ng kabataan ang kalagayan ng nasa huling biyahe na ng buhay, hindi ‘yung kung kailan sumampa na rin sila sa estado ng mga senior ay saka mauunawaan ang nakapaloob na emosyon na hatid…
Read MoreCategory: OPINYON
PURO LANG TAYO SIMULA
DPA Ni BERNARD TAGUINOD HINDI na ako magtataka na mabagal ang usad ng ating pag-unlad, kung umuunlad man tayo……dahil puro tayo simula tuwing anim na taon kaya walang natatapos at walang nakakamit na anomang mag-aangat sana sa buhay nating mga Pilipino. Tuwing anim na taon, nagpapalit tayo ng presidente dahil ‘eto ang isinasaad sa saligang batas at ang mahahalal na pangulo na may kanya-kanyang programa na gustong ipatupad habang nasa poder sila. Wala pang pangulo ng bansa mula nang magkaisip ako, ang nagpatuloy sa programa ng kanyang pinalitang administrasyon kaya…
Read MoreKUDETA NA NAMAN?
PUNA Ni JOEL AMONGO KAPUNA-PUNA sa ating pag-iikot ang mainit na usap-usapan ngayon sa iba’t ibang sulok ng National Capital Region (NCR), ang lumabas na isyu sa kudeta. Pangunahing iniugnay sa isyu ng kudeta ay ang pagpapalit ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula kay Gen. Andres Centino patungo kay Lt. General Bartolome Bacarro. Si Gen. Bacarro bilang chief of staff ng AFP ay inalis sa pwesto, muling ibinalik at ipinalit si Gen. Centino. Si Bacarro ay ipinanganak noong Setyembre 18, 1966, ang kanyang edad ay 56…
Read MoreMANIPULASYON ANG PROBLEMA
HINDI lang magaling magpaiyak ang sibuyas. Nagagawa nitong magmura ang mga tao gawa ng mahal na presyo, at inakit din nitong sumawsaw ang ilang mambabatas at politiko na tugunan ang hindi malasang epekto ng presyo nito sa publiko. Naglalaro pa sa P600 ang kada kilo ng sibuyas sa karamihan sa mga palengke sa bansa kahit itinakda ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price sa halagang P250. Ayon kay Rep. Joey Salceda, oras na upang wasakin ang smuggling cartels ng sibuyas, karne, isda at iba pang pinakamahalagang agricultural commodities,…
Read MoreDAGDAG BEREAVEMENT LEAVE NG MANGGAGAWA ITINUTULAK NI CONG. RILLO
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG HINDI maitatanggi na taon-taon ay ipinagdiriwang ang Araw ng Paggawa o Labor Day. Ngunit nauuwi ito sa Araw ng Pagngawa kasi puro ngawa lang sila. Marami nga namang hinihingi ang manggagawa sa pamahalaan. Siyempre, una na ang sapat na suweldo at ang magandang kondisyon o kalagayan sa kanilang pinapasukan. Hindi nga lang ito maibigay ng gobyerno. Kung ang gobyerno ay hindi makapagbibigay, mas lalo namang hindi ang pribadong sektor. Kapag nagtaas naman daw ng sahod ang private sector, magsasara sila. Lagi nilang ipinananakot…
Read MoreKULAY PULITIKA DAHILAN NG PAGPIGIL KAY MAYOR DUMANJUG?
BISTADOR Ni RUDY SIM NAGKAROON ng mainitang pagtatalo mula sa kampo ni Bonifacio, Misamis Occidental Mayor Samson Dumanjug kasama ng kanyang anak na babae na nahuling nakunan ng video habang ang mga ito ay tangkang harangin umano ng mga tauhan ng lokal na pulisya. Si Dumanjug ay matatandaang binigyan ng 60 days preventive suspension mula noong Oktubre ng nakaraang taon dahil sa akusasyon na nagkaroon umano ng katiwalian sa panunungkulan nito. Matapos ang suspensyon ay nagtungo sa munisipyo sina Mayor Dumanjug kasama ng kanyang daan-daang tagasuporta ngunit ang mga ito…
Read MoreCAAP DIRECTOR TINIRA NG DATING KASAMAHAN SA DOTr
RAPIDO Ni PATRICK TULFO KUNG sa tingin ninyo ay tapos na ang isyu ng pagkasira ng kagamitan sa Ninoy Aquino International Airport noong bagong taon na nakaperwisyo sa libo-libong pasahero ay nagkakamali kayo. Dahil kahit na bumabalik na sa normal ang operasyon ng paliparan ay mukhang may mas malalim na dahilan ang mga pangyayari na kinakailangan ng mas malalim na imbestigasyon. Katulad ng mga naiulat, ang dahilan ng pagkaantala ng flights ay ang pagkasira ng Uninterruptible Power Supply (UPS) na nagsusuplay ng kuryente sa kagamitan na ginagamit ng Air Traffic…
Read MoreMORO-MORONG DRUG WAR
ANG dapat sana’y magandang hangarin sa likod ng panawagan para sa sabayang pagbibitiw ng lahat ng mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), biglang nabahiran ng duda sa mabilis na pagbasura ng kaso laban kay Juanito Remulla III kaugnay ng kasong ilegal na droga. Walang masama kung iabswelto ng husgado ang isang akusado. Pero sa kaso ni Juanito III na anak ni Justice Sec. Boying Remulla, kapansin-pansin ang mabilis na pag-usad ng kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) na karaniwang inaabot ng…
Read MoreANO ANG DAHILAN NG DESTABILIZATION PLOT?
KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO MAY nakarating sa KAALAMAN na ang dahilan ng destabilization plot ay ang pagpapalit ng pamunuan ng militar. Noong isang araw, maraming nabigla sa isyu ng pagpapalitan nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Bartolome Vicente Bacarro at Gen. Andres Castor Centino. Ang seremonya ay pinangunahan ni ES Lucas Bersamin na ginanap mismo sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Kung babalikan natin ang nakaraan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang nakapwestong AFP Chief of Staff ay si Centino. Pagpasok ng…
Read More