PETISYON PARA IPAWALANG-BISA ANG WHITELIST NG DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

AKSYON Ni CASTILLON Ni ATTY. DAVID CASTILLON DUMULOG sa korte ang grupo ng recruitment agencies upang ipawalang-bisa ang whitelist na inilabas ng Department of Migrant ­Workers (DMW). Nakasaad sa petisyon na ang paglikha ng listahan ay wala sa batas, Implementing Rules and Re-gulations (IRR) at Governing Board Resolutions (GBR). Isinasaad sa memorandum circulars ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang recruitment agencies na nagkaroon ng suspension o cancellation at foreign principals na na-disqualify sa loob ng anim na buwan mula sa araw ng aplikasyon ay hindi pa rin makakasali…

Read More

ISYU NG CLIMATE CHANGE, DAPAT TUTUKAN AT AKSYUNAN SA LALONG MADALING PANAHON

Sa Ganang Akin Ni JOE ZALDARRIAGA KUNG papansinin, napakadalas magbago ng panahon. ­Maaaring maaraw at matapos ang ilang oras ay biglang babagsak ang ulan. Isa pang halimbawa nito ay ang dapat na malamig na simoy ng hangin ngayong Disyembre na tila sa gabi lang nararamdaman. Madalas kasi kahit sa umaga, basta’t nand’yan na ang araw, hindi na maramdaman ang hangin. Ang mga ito ay sanhi ng climate change. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na dahil sa lokasyon ng Pilipinas kaya’t umaabot sa 20 ang bagyong dumaraan sa bansa. Ayon…

Read More

MASANAY SA KAHIRAPAN

NAKADIKIT na lang sa Christmas card ang mensahe at ang mga sinserong pagbati ng Merry Christmas and a Prosperous New Year ay hindi na ­maramdaman dahil ang reyalidad ay hindi masaya at masagana ang maraming Pilipino. Laging rason ang pagiging matibay ng mga Pilipino sa kahirapan, unos at ibang hamon, ­subalit hindi ito ­indikasyon na hanggang diyan na lamang sila sa pamantayang itinakda sa kanila ng mga nasa poder na ang kapakanan at ­ikaaangat ng buhay ng mga maralita ay dapat isinusulong. Ilang araw na lang Pasko na. Kayod-kalabaw pa…

Read More

ISA NA NAMANG ANOMALYA IBINUNYAG NI SEN. RAFFY TULFO

RAPIDO NI TULFO ISA sa pinakamasigasig at pinaka-kontrobersyal na mambabatas ngayon si Sen. Raffy Tulfo dahil sa kaliwa’t kanang mga expose nito sa Senado. Maihahalintulad ito sa dating mga senador na sina Joker Arroyo at Ernesto Maceda na mga nakilala dahil sa kanilang expose’ noong mga kapanahunan nila. Ang pinakabagong pasabog ni Sen. Tulfo ay may kinalaman sa ginaganap na budget hearing na may kaugnayan sa budget na hinihiling ng AFP. Tinanong ng senador si Col. Roselles Salvosa ukol sa allowance ng deployed reservists ng AFP. Inamin ni Col. Salvosa…

Read More

AGRICULTURAL SMUGGLER, IKULONG – CONG. ERIC YAP

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MATAGAL nang umiiral ang Anti-Agricultural Smuggling Law sa bansa. Kung hindi ako nagkakamali, nasa pitong taon na mula nang ipasa ito ng Kongreso at Senado. Ang masaklap, hanggang ngayon, wala ni isa mang smugglers ng agricultural ­products ang naparurusahan ng economic sabotage. Talamak at lantaran na ang smuggling. Tila walang ­kinatatakutan ang mga salarin. Noon pa, may mga ganyan na. Aba’y talamak din noon pa ang pagpupuslit ng bigas, asukal, karneng baboy, manok, gulay, prutas at iba pa. Ngayon naman, pati pulang sibuyas,…

Read More

OFW SA RIYADH, HINDI NA HAPPY SA HAPPY WORLD AGENCY

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP NAKARATING sa ating pahayagang Saksi Ngayon ang sumbong ng isa nating kabayani sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia. Ang liham ay nagmula kay OFW Flordelis Iscuerdo na nakarating sa nasabing bansa noong Nobyembre 7, 2021 sa pamamagitan ng Happy Word Manpower Agency. Ayon kay OFW Iscuerdo, may matindi siyang iniindang karamdaman na lubhang nakakaapekto sa kanyang pagtatrabaho. Kabilang na rito ang kanyang dinaramdam na urinary tract infection o UTI at maging ang pagtaas ng kanyang uric acid na dahilan ng kanyang mahirap na…

Read More

DESISYON NG ERC LABAN SA SMC, NAKAGULO BA SA SIPA NG PRESYO NG KURYENTE?

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON MAY kasabihan sa wikang ­Ingles, “If it ain’t broke, don’t fix it”. Ang ibig sabihin lamang nito ay kung hindi naman sira, huwag ayusin. Nasabi ko lamang ito bilang bungad tungkol sa isyu ng ­Energy Regulatory Commission (ERC) na nakikialam sa usapan ng Power Supply Agreement (PSA) sa pagitan ng San Miguel Global Power at Meralco. Nagtataka lamang ako dahil ang PSA ng SMC at Meralco ay dumaan sa regulasyon ng Department of Energy na tinatawag na competitive selection process o CSP. Sa…

Read More

PAGLILINIS NG HANAY KONTRA DROGA

WALANG dudang salot sa lipunan ang kalakalan ng ipinagbabawal na gamot. Ito rin ang mismong dahilan sa likod ng agresibong kampanyang pirming inilunsad ng mga nagdaang administrasyon. Pero paano mananalo sa giyera kontra droga kung ang anay ng lipunan nasa loob mismo ng mga ahensyang binigyan ng mandato para tapusin ang bisyo at mga sindikato sa likod ng ilegal na negosyo? Sa puntong ito, higit na kailangan ang kolektibong pagkilos ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), napapanahong ideya na kapwa kinatigan ng kanilang pamunuan. Ano nga…

Read More

PAHIRAP ANG NAIA SA MGA OFW

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO NITONG nakaraang Lunes ay kinastigo ni Senador Grace Poe ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kabiguan nilang ayusin ang serbisyo at matugunan nang maayos ang pangangailangan ng mga pasahero. Pinuna rin ni Poe ang mala-pagong na pag-usad ng kinakailangang mga reporma sa pasilidad na dahilan para lalong sumama ang serbisyo rito. Sinabi ng senadora na ang deklaradong kapasidad ng NAIA ay 35 milyong pasahero at 250,000 flights kada taon. Subalit noong 2019, ang actual passenger volume ay umabot sa 47.88 milyon…

Read More