KUDETA NA NAMAN?

PUNA Ni JOEL AMONGO KAPUNA-PUNA sa ating pag-iikot ang mainit na usap-usapan ngayon sa iba’t ibang sulok ng National Capital Region (NCR), ang lumabas na isyu sa kudeta. Pangunahing iniugnay sa isyu ng kudeta ay ang pagpapalit ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula kay Gen. Andres Centino ­patungo kay Lt. General Bartolome ­Bacarro. Si Gen. Bacarro bilang chief of staff ng AFP ay inalis sa pwesto, muling ibinalik at ipinalit si Gen. Centino. Si Bacarro ay ipinanganak noong Setyembre 18, 1966, ang kanyang edad ay 56…

Read More

MANIPULASYON ANG PROBLEMA

HINDI lang magaling magpaiyak ang sibuyas. Nagagawa nitong magmura ang mga tao gawa ng mahal na presyo, at inakit din nitong sumawsaw ang ilang mambabatas at politiko na tugunan ang hindi malasang epekto ng presyo nito sa publiko. Naglalaro pa sa P600 ang kada kilo ng sibuyas sa karamihan sa mga palengke sa bansa kahit itinakda ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price sa halagang P250. Ayon kay Rep. Joey Salceda, oras na upang wasakin ang smuggling cartels ng sibuyas, karne, isda at iba pang pinakamahalagang agricultural commodities,…

Read More

DAGDAG BEREAVEMENT LEAVE NG MANGGAGAWA ITINUTULAK NI CONG. RILLO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG HINDI maitatanggi na taon-taon ay ipinagdiriwang ang Araw ng Paggawa o Labor Day. Ngunit nauuwi ito sa Araw ng Pagngawa kasi puro ngawa lang sila. ­Marami nga namang hinihingi ang manggagawa sa pamahalaan. Siyempre, una na ang sapat na suweldo at ang magandang kondisyon o kalagayan sa kanilang pinapasukan. Hindi nga lang ito maibigay ng gobyerno. Kung ang gobyerno ay hindi makapagbibigay, mas lalo namang hindi ang pribadong sektor. Kapag nagtaas naman daw ng sahod ang private sector, magsasara sila. Lagi nilang ipinananakot…

Read More

KULAY PULITIKA DAHILAN NG PAGPIGIL KAY MAYOR DUMANJUG?

BISTADOR Ni RUDY SIM NAGKAROON ng mainitang pagtatalo mula sa kampo ni Bonifacio, Misamis Occidental Mayor Samson Dumanjug kasama ng kanyang anak na babae na nahuling nakunan ng video habang ang mga ito ay tangkang harangin umano ng mga tauhan ng lokal na pulisya. Si Dumanjug ay matatandaang binigyan ng 60 days preventive suspension mula noong Oktubre ng nakaraang taon dahil sa akusasyon na nagkaroon umano ng katiwalian sa panunungkulan nito. Matapos ang suspensyon ay nagtungo sa munisipyo sina Mayor Dumanjug kasama ng kanyang daan-daang tagasuporta ngunit ang mga ito…

Read More

CAAP DIRECTOR TINIRA NG DATING KASAMAHAN SA DOTr

RAPIDO Ni PATRICK TULFO KUNG sa tingin ninyo ay tapos na ang isyu ng pagkasira ng kagamitan sa Ninoy Aquino International Airport noong bagong taon na nakaperwisyo sa libo-libong pasahero ay nagkakamali kayo. Dahil kahit na bumabalik na sa normal ang operasyon ng paliparan ay mukhang may mas malalim na dahilan ang mga pangyayari na kinakailangan ng mas malalim na imbestigasyon. Katulad ng mga naiulat, ang dahilan ng pagkaantala ng flights ay ang pagkasira ng Uninterruptible Power ­Supply (UPS) na nagsusuplay ng kuryente sa kagamitan na ginagamit ng Air Traffic…

Read More

MORO-MORONG DRUG WAR

ANG dapat sana’y magandang hangarin sa likod ng panawagan para sa sabayang pagbibitiw ng lahat ng mataas na opisyal ng ­Philippine National Police (PNP), biglang nabahiran ng duda sa mabilis na pagbasura ng kaso laban kay Juanito Remulla III kaugnay ng kasong ilegal na droga. Walang masama kung iabswelto ng husgado ang isang akusado. Pero sa kaso ni Juanito III na anak ni Justice Sec. Boying Remulla, kapansin-pansin ang mabilis na pag-usad ng kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) na karaniwang inaabot ng…

Read More

ANO ANG DAHILAN NG DESTABILIZATION PLOT?

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO MAY nakarating sa KAALAMAN na ang dahilan ng destabilization plot ay ang pagpapalit ng pamunuan ng militar. Noong isang araw, ­maraming nabigla sa isyu ng pagpapalitan nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Bartolome Vicente Bacarro at Gen. Andres Castor Centino. Ang seremonya ay ­pinangunahan ni ES Lucas Bersamin na ginanap mismo sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Kung babalikan natin ang nakaraan sa ilalim ng ­administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang nakapwestong AFP Chief of Staff ay si Centino. Pagpasok ng…

Read More

WALA KASING NAPAPARUSAHAN, EH

DPA Ni BERNARD TAGUINOD PURO lang tayo ­ngawngaw kapag nagkakaroon ng hoarding at price manipulation sa mga produktong ­agrikultura at kapag bumababa na ang presyo ay tahimik na lahat at nakalimutan nang parusahan ang mga nagsamantala sa mga consumer. Noong 2014, panahon pa ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ay sumabog ang overpriced na bawang na umabot ang presyo ng hanggang P400 kada kilo. Nagsagawa ng imbestigasyon ang dalawang ­kapulungan ng Kongreso at may natukoy na mga taong nasa likod ng manipulasyon ng presyo ng bawang kaya abot langit…

Read More

ANG MABIGAT AY NAGIGING MAGAAN SA PAGTUTULUNGAN

PUNA Ni JOEL AMONGO ISA ang PUNA sa media na naka-SAKSI sa pamimigay ng groceries at gamot na tulong ng iba’t ibang grupo sa tribong Dumagat sa Sitio Karahume, Brgy. San Isidro, San Jose del Monte, Bulacan noong nakaraang Biyernes, Enero 6, 2023. Nag-ambag-ambag sina Cindy Joyce Alcanzo ng FC Scrap Trading, Solomon Jover, Michael Miranda ng SLSJ ­Trucking, ALEE Rendering Facility at Skinfine SPA & Salon, para makaipon ng groceries at mga gamot para sa mahigit 300-katao sa tribo ng Dumagat at iba pa sa lugar. Siyempre, kasama riyan…

Read More