LABOR ATTACHE SA JORDAN HINIHILING NA PATALSIKIN

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP SUNOD-SUNOD na sumbong na ipinadala sa email ang aking natanggap upang ireklamo ang kasalukuyang Labor Attaché na nakadestino sa bansang Jordan. Iba’t iba ang dahilan ng kanilang reklamo, pero iisa lamang ang kanilang kahilingan na mapatalsik na sa bansang Jordan ang Labor Attaché na si Armi Evangelista. Mistula raw nakasandal kasi si Labor Attaché Armi dahil lagi umano nitong ipinagmamalaki na walang makasasaling sa kanya dahil malakas diumano siya kay Senator Imee Marcos dahil dati siyang staff nito. Kung kaya, maging ang mga…

Read More

“HINDI KO KILALA ‘YANG SI ROBERT UY” – JOEL LONGARES NG DDCAP

RAPIDO Ni PATRICK TULFO HINAMON ni Door-to-Door Consolidators Association of the Phils. (DDCAP) President Joel Longares ang ­may-ari ng Agbay Enterprises at ­Association of Bidders of the Bureau of Customs (ABBC) na si Robert Uy na magharap sila sa ating programa upang ­magkaliwanagan. Ang ­hamon ay binitiwan ng DDCAP president sa ating programa nito lang nakaraang Lunes. Ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa ay nagmula pa rin sa isyu ng mga abandonadong ­balikbayan box na ­kasalukuyang ipinamamahagi ng dalawang partido. Hawak ng DDCAP ang distribution ng mga kahon mula sa Kabayan…

Read More

BANTAG, HINAMON NI REMULLA NA MAGHAIN NG KONTRA SALAYSAY

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO NANAWAGAN ang pamilya Mabasa kay dating BUCOR DG GERALD BANTAG at SSPT. RICARDO ZULUETA na kung talagang malinis ang kanilang konsensya at wala silang kinalaman sa pagpatay sa kanilang kaanak na si Percival Mabasa o Percy Lapid, ay dapat umano silang makipag-cooperate sa isinasagawang preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa mga isinampang reklamo o kaso ng National Bureau of Investigation (NBI ) at Philippine National Police ( PNP) laban sa kanila. Sinabi pa ni Roy Mabasa, ngayong nagpalabas na ng subpoena ang kagawaran ng…

Read More

MAYOR MAX ROXAS AT VICE MAYOR BIEN ROXAS, MAGKATUWANG SA SERBISYO PUBLIKO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TULOY-TULOY ang serbisyo publiko nina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas ng Paniqui, Tarlac. Nariyan ang kanilang free medical services at iba pa para sa kanilang mga kababayan doon. “Para sa kaalaman ng ­lahat, ang Mobile Clinic ay ­muling ­magbibigay ng serbisyong medikal sa mga residente ng Brgy. Poblacion Sur [ngayong Miyerkules] November 16, 2022,” ayon sa social media post ng alkalde. Bukas ito para sa mga residente sa lugar. Ang handog dito ay libreng blood chemistry, ultrasound, ECG at X-ray.…

Read More

KOTONG SA LIMOS

ANG kahirapan na pinipilit maibsan kahit pansamantala lalo pa’t nalalapit na ang Kapaskuhan ay sinamantala ng ibang gahaman para pagkakitaan. Ito ang masaklap na kalagayan ng mga katutubong Badjao na bumabalik sa Maynila tuwing magpa-Pasko upang mamalimos sa mga lansangan na karaniwang gamit ang kanilang mga sanggol para lalong kahabagan. Nalalagay sa panganib ang buhay ng mga Badjao, lalo na ang mga bata dahil posibleng mabundol sila sa pagsalubong, pagsampa at pagtalon sa mga sasakyan para mamalimos. Dahil dito, sanib-puwersa ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) at mga tauhan…

Read More

KAWAWANG MAGSASAKANG PINOY

KAALAMAN Ni MIKE ROMERO AGRIKULTURA at pagsasaka ang kadalasang paboritong paksa ng mga taong nakikisimpatiya lalo na kung ang pag-uusapan ay ang seguridad sa pagkain. Lahat magagaling, lahat may komento pero sa totoo lang, karamihan sa mga nagbibigay ng kanilang opinion ay mga taong ‘di man lang nakatapak ng putik, ‘di man lang nasubukang hawakan ang lubid ng kalabaw. ‘Di nga nila alam kung paanong nalulugi ang mga farmer at kung paanong pinaglalaruan ng mga nakaupo ang mga mgsasaka. Lalo iyong mga nasa laylayan ng lipunan, iyong mga taong umaasa…

Read More

ISDA NATIN INI-IMPORT NATIN

DPA Ni BERNARD TAGUINOD WALA sigurong tao na nasa tamang pag-iisip na hindi sasama ang loob na kapag ninakaw ang gamit mo sa bahay mo tapos ibebenta sa iyo ng nagnakaw dahil kailangan mo. Kaya nakasasama ng loob na mag-aangkat tayo ng mga isda lalo na ang galunggong at ang magbebenta sa atin ay ang China na kinuha ang mga isdang ito sa ating teritoryo sa West ­Philippine Sea (WPS). Nitong nakaraang mga araw, inanunsyo na kulang na naman ang supply ng galunggong at iba pang uri ng isda sa…

Read More

LIFESTYLE CHECK SA MGA EMPLEYADO NG BI

PUNA Ni JOEL AMONGO NAKATANGGAP tayo ng ­impormasyon na may mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na yumaman na sa kanilang raket sa ahensyang ito. Ganito ‘yan, Sir, si alyas “B” na taga-Eastern Samar ay ordinaryong empleyado lang ng BI, ay mayaman na ngayon. ‘Yan ang bungad sa atin ng isang nagkwento sa akin na mayroon siyang kilala na empleyado ng BI na ang apelyido ay nagsisimula sa “B” na nagkamal ng pera simula nang makapasok ito sa nasabing ahensya. Ayon pa sa kanya, hindi ba naman yayaman si…

Read More

TOLONGGES ANG SPORTS OFFICIALS NG JOSE RIZAL UNIVERSITY

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO JR. NAPAKASAMANG halimbawa ang ginawa at ipinakita ng tapang-tapangang basketball player ng Jose Rizal University (JRU) na si John Anthony Walker Amores. Ito Ang Totoo: Parang naka-drogang nagwala si Amores noong November 8 sa laro ng JRU laban sa College of St. Benilde (CSB) sa palaro ng National College Athletic Association (NCAA) na ginanap sa FilOil EcoOil Center, San Juan, Metro Manila. Mistulang asong ulol na tumutulo ang laway na sinugod ni Amores ang “bench” ng CSB at suntok dito, suntok doon ang…

Read More