ISDA NATIN INI-IMPORT NATIN

DPA Ni BERNARD TAGUINOD WALA sigurong tao na nasa tamang pag-iisip na hindi sasama ang loob na kapag ninakaw ang gamit mo sa bahay mo tapos ibebenta sa iyo ng nagnakaw dahil kailangan mo. Kaya nakasasama ng loob na mag-aangkat tayo ng mga isda lalo na ang galunggong at ang magbebenta sa atin ay ang China na kinuha ang mga isdang ito sa ating teritoryo sa West ­Philippine Sea (WPS). Nitong nakaraang mga araw, inanunsyo na kulang na naman ang supply ng galunggong at iba pang uri ng isda sa…

Read More

LIFESTYLE CHECK SA MGA EMPLEYADO NG BI

PUNA Ni JOEL AMONGO NAKATANGGAP tayo ng ­impormasyon na may mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na yumaman na sa kanilang raket sa ahensyang ito. Ganito ‘yan, Sir, si alyas “B” na taga-Eastern Samar ay ordinaryong empleyado lang ng BI, ay mayaman na ngayon. ‘Yan ang bungad sa atin ng isang nagkwento sa akin na mayroon siyang kilala na empleyado ng BI na ang apelyido ay nagsisimula sa “B” na nagkamal ng pera simula nang makapasok ito sa nasabing ahensya. Ayon pa sa kanya, hindi ba naman yayaman si…

Read More

TOLONGGES ANG SPORTS OFFICIALS NG JOSE RIZAL UNIVERSITY

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO JR. NAPAKASAMANG halimbawa ang ginawa at ipinakita ng tapang-tapangang basketball player ng Jose Rizal University (JRU) na si John Anthony Walker Amores. Ito Ang Totoo: Parang naka-drogang nagwala si Amores noong November 8 sa laro ng JRU laban sa College of St. Benilde (CSB) sa palaro ng National College Athletic Association (NCAA) na ginanap sa FilOil EcoOil Center, San Juan, Metro Manila. Mistulang asong ulol na tumutulo ang laway na sinugod ni Amores ang “bench” ng CSB at suntok dito, suntok doon ang…

Read More

IYO ANG CAVITE, AKIN ANG CORDILLERA

BISTADOR Ni RUDY SIM MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng taumbayan ang matapang at bruskong banat ni suspended BuCor Director, General Gerald Bantag laban kina Department of Justice (DOJ) Secretary ­Boying Remulla at BuCor OIC Gregorio Catapang matapos itong lumabas sa isang TV interview at walang prenong nagpakawala ng mga pasabog laban sa ­dalawa. Matatandaang isa si Bantag sa mga inakusahan at ­itinuro ng ilang persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Bilibid na hawak ngayon ng pamahalaan, kaugnay sa patuloy na pag-usad ng imbestigasyon sa pagpaslang sa beteranong komentarista at…

Read More

PAGNANAKAW NG MGA KABLE NG KURYENTE, MAPANGANIB AT NAKAMAMATAY

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA ANG mga Pilipino ay likas na mapagmahal sa pamilya. Gagawin ang lahat ng makakaya upang matustusan ang pangangailangan ng mga mahal sa buhay. Ito marahil ang dahilan kung bakit pagpasok ng taong 2020, kung kailan nagsimula ang pandemyang COVID-19 at marami ang nawalan ng hanapbuhay, naitala ng Meralco ang biglaang pagtaas sa bilang ng insidente ng mga pagnanakaw ng kable ng kuryente sa prangkisa nito. Mula 2020 hanggang Oktubre ng taong ito, 457 na insidente na ang naitala ng Meralco. Sa kabuuang bilang na…

Read More

CHARITY WORKS NG PITMASTER FOUNDATION TULOY-TULOY

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG BAGAMA’T ipinagbabawal pa rin ang e-sabong, wala pa ring puknat ang charity works ng Providing Indigents with Timely Medical Assistance, Service, and Targeted Emergency Relief (PITMASTER). Sa totoo lang, ang Pitmaster Foundation Inc. ay matagal nang tumutulong sa ating mga kababayan. Noong kasagsagan nga ng pandemya, inulan ng tulong ang maraming mamamayan at lokal na pamahalaan mula sa Pitmaster. Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, ito ang dahilan kaya isa sa mga naging finalists ang Pitmaster sa The Stevie Awards.…

Read More

ANG BANTAY NI BANTAG AT SIYA AY NABITAG

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON MATAGAL ko nang nararamdaman na sa dulo ng sinusundan natin na kabanata sa pagpas­lang sa kapatid natin sa media na si Percy Lapid, isang mataas na opisyal sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) ang maaaring may kinalaman sa nasabing karumal-dumal na krimen. Sa pagpasok ng linggong ito, inanunsyo ng tanggapan ng DILG at DOJ ang pormal na pagsampa ng kasong murder laban nasuspindeng si BuCor director general Gerald Bantag hinggil sa pagpatay kay Percival Mabasa alyas Percy Lapid at Crisanto Villamor na…

Read More

LOVEBIRDS NG BI-CLARK, POWER TRIPPING?

BISTADOR Ni RUDY SIM KINALAMPAG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tanggapan ni Commissioner Norman Tansingco na bigyang pansin ang umano’y tila paghahari-harian ng isang “love team” na opisyales na nakatalaga sa Clark International Airport, na maaaring makasira sa planong pagbabago upang malinis ang ahensya laban sa katiwalian. Sa sumbong na pinarating sa atin, isang Immigration officer umano na si alias “JR” ang tila nag-power trip dahil sa nakadikit at karelasyon ito ng isang mataas na opisyal ng CIA na tagahanga ni Aiza Seguerra? “Pagdating ng panahon,…

Read More

ROBERT UY DATI NA PALANG NA-BAN SA BOC!

RAPIDO Ni PATRICK TULFO ISANG kakilala ang tumawag sa inyong lingkod nang mabasa nito ang aking mga post ukol sa aming social media page at ang aking sinulat sa pitak na ito ukol kay Mr. ­Robert Uy, ang representative ng Association of Bidders of the Bureau of Customs (ABBC), at may-ari ng FR Agbay Enterprises, ang nagwagi sa bidding na ginawa ng Auction Division ng BOC na pinamumunuan ni Dolores Domingo. Ayon dito, itong si Robert Uy raw ay rati nang na-ban sa opisina ng BOC sa South Harbor noong…

Read More