CAVS DAUSDOS SA BUCKS

Ni VT ROMANO PATULOY ang pagpapakitang-gilas ni Brook Lopez. Nagtala ng 7-for-9 shot mula sa 3-point range at umiskor ng 29 puntos sa 113-98 win ng host Milwaukee Bucks at itinulak pa ang Cleveland Cavaliers sa pagdausdos, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila). Ikalimang sunod na talo ito ng Cavaliers matapos ang 8-1 start. Tumapos si Giannis Anteto-kounmpo na may 16 points, 12 rebounds at eight assists para sa Bucks. Habang si Jordan Nwora, may season-high 21 points para tulungan ang Bucks ma-outscore ang Cavs 45-20 sa bench points. Kinapos…

Read More

Women’s Martial Arts Fest GOLD KINA NOVINO AT NAPOLES

SUMIPA ng gintong medalya sina Sophia Nicole Novino at Rhian Napoles sa judo sa 8th Philippine Sports Commission Women’s Martial Arts Festival na ginanap sa Philippine Judo Federation training gym, Rizal Memorial Sports Complex. Si Novino, sophomore mula sa National Academy of Sports, ang nanguna sa women’s -44kg division matapos umiskor laban kay Mikeighla Louise De Vera ng Baguio Judo Club. Inangkin naman ni Napoles ang -48kg title sa pagbigo kay Mariana Alicia Roces. Ayon sa pangulo ng Philippine Judo Federation na si Ali Sulit, ang WMA Festival ay bahagi…

Read More

GINEBRA’S BROWNLEE GIGISAHIN SA KONGRESO

HAHARAP ngayong araw (Miyerkoles) sa Mababang Kapulungan si Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee kaugnay sa kanyang naturalization process. Target mapasama si Brownlee sa Gilas Pilipinas para sa ­February window ng FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers, ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios sa ginanap na PSA Forum kahapon sa ground floor ng PSC building sa Rizal Memorial Sports Complex. Noong 2017 pa nagpahayag ng interes ang 34-anyos na si Brownlee mula Tifton, Georgia para maging naturalized player, bilang pasasalamat niya sa PBA at kanyang…

Read More

BUCKS, BOKYA ULIT SA HAWKS

Ni VT ROMANO DINAGIT ng Atlanta Hawks sa pangunguna nina De’Andre Hunter (24 points) at Trae Young (21 points at nine assists) ang Milwaukee Bucks, 121-106, Lunes ng gabi (Martes sa Manila). Nagdagdag si Clint Capela ng double-double output, 19 points at 10 rebounds sa ikalimang panalo sa pitong laro ng Atlanta. Umiskor din si Dejounte Murray ng 19 at si John Collins 16 points at nine boards. Ang nagbalik na si Giannis Antetokounmpo, absent sa ­huling dalawang laro at pangatlo sa ­huling apat sanhi ng knee soreness, ay nagsumite…

Read More

KD LUMEBEL KAY MJ

Ni VT ROMANO NAGLISTA si Kevin Durant ng triple-double 29 points, 12 ­rebounds at 12 assists, at ­naging unang player pagkatapos ni Michael Jordan na umiskor ng at least 25 points sa unang 12 games ng team at nagawang kaldagin ng Brooklyn Nets ang New York Knicks, 112-85, sa ilalim ni Coach Jacque Vaughn nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila). Tinalo ni Durant ang Knicks sa 13th straight time at naka-triple-double siya sa huling dalawang panalong iyon. Ang kanyang rebounds at assists ay parehong season high at ang kanyang scoring ay…

Read More

BUCKS SILAT SA HAWKS

Ni VT ROMANO PINUTOL ng Atlanta Hawks, kahit wala si Trae Young, ang season-opening, nine-game winning streak ng Milwaukee Bucks, 117-98, Lunes ng gabi (Martes, Manila time) sa Atlanta. Kumamada si Dejounter Murray ng 25 points, off the bench umiskor si rookie A.J. Griffin ng career-high 24. Nagbalik si Giannis ­Antetokounmpo makaraan ang one-game absence sanhi ng sore left knee at nagtala ng 25 points para sa Bucks, nagtatangka sa­nang maging unang koponang magtatala ng 10-0 start, sapul nang magawa ng Golden State Warriors ang 24-0 noong 2014-15 season. Si…

Read More

LEBRON IBINAON NG DATING TEAM

BALIK-AKSYON si Donovan Mitchell matapos ma-injure, umiskor ng 33 points at inakay ang Cleveland Cavaliers sa 114-100 win kontra Lakers, Linggo (Lunes sa Manila) sa Los Angeles, California Nag-ambag si Darius Garland ng 24 points nang kumawala ang Cavs sa second half laban sa tila walang ganang Lakers, na nakakuha lang ng dalawang puntos kay Anthony Davis pagkatapos ng interval. Nagdagdag si Jarrett Allen ng 16 markers sa Cavaliers tungo sa ikawalong sunod na panalo. Tangan ng Cavs ang 8-1 baraha at sumesegunda sa 9-0 Milwaukee Bucks sa Eastern ­Conference.…

Read More

CALOY YULO NAGKASYA SA PILAK AT TANSO

Ni ANN ENCARNACION BIGO si Olympian Carlos Edriel “Caloy” Yulo madepensahan ang kanyang world title sa men’s vault sa FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England. Nagkasya lang siya sa silver sa bagong pet event, habang nagbulsa ng bronze medal sa parallel bars. Sa nakaraang taon na Gymnastics World Championships sa Kitakyushu, Japan ay nabingwit ng 22-year old Pinoy gymnast ang gold sa nasabing event. Ngunit ngayong edisyon ay naagaw ni Artur Daytyan ng Armenia ang korona sa vault, habang napunta ang bronze kay Igor Radivilov ng Ukraine. Pumangatlo…

Read More

BACK-TO-BACK WIN SA LAKERS

Ni VT ROMANO MATAPOS ang 0-5 start, nahablot ng Los Angeles Lakers ang ikalawang sunod panalo, matapos ang 120-117 overtime win kontra New Orleans Pelicans, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila). Humirit si Matt Ryan ng game-tying 3-pointer sa regulation buzzer, habang si Lonnie Walker naman ang bumato ng tampok na 3-pointer sa overtime para sa Lakers. Naglista si Anthony Davis ng 20 points at may 16 rebounds para sa Lakers, itinapon ang 16-point lead at kamuntik pang matalo, bago nagmintis si Dyson Daniels sa kanyang dalawang free throws sa…

Read More