Women’s Martial Arts Fest GOLD KINA NOVINO AT NAPOLES

SUMIPA ng gintong medalya sina Sophia Nicole Novino at Rhian Napoles sa judo sa 8th Philippine Sports Commission Women’s Martial Arts Festival na ginanap sa Philippine Judo Federation training gym, Rizal Memorial Sports Complex.

Si Novino, sophomore mula sa National Academy of Sports, ang nanguna sa women’s -44kg division matapos umiskor laban kay Mikeighla Louise De Vera ng Baguio Judo Club.

Inangkin naman ni Napoles ang -48kg title sa pagbigo kay Mariana Alicia Roces.

Ayon sa pangulo ng Philippine Judo Federation na si Ali Sulit, ang WMA Festival ay bahagi ng paghahanda ng bansa para sa 6th Asian Indoor Martial Arts Games sa Bangkok, Thailand sa 2023.

Ang iba pang gold ­medalists sa judo ay sina Shanaia Yve Febrer (-32kg); Jhenica ­Serrano (-40kg); Analyn Dino (-52kg); ­Samara Nina Vidor (-57kg); Maegan Motilla (-63kg); Raphaela Estrada (-70kg); at Francesca Michaela Roces (+70kg).

Samantala, hindi nabigo ang national wrestler na sina Jiah ­Pingot at Grace Loberanes na ­kapwa nagreyna sa kanilang weight ­category.

Mabilis na tinalo ni Pingot si Lady May Carabuena ng Mandaluyong City sa freestyle -53kg senior, at dinaig naman ni ­Loberanes si Kimberly Jhoy ­Bondad sa traditional wrestling 57kg.

Wagi rin ng ginto sina Cathlyn Vergara (classic 52kg); Mary Jhol Cacal (58kg); Jean Mae Lobo (63kg); Melissa Tumasis (52kg); Nicole Pinlac (58kg); Rhea Cervantes (63kg); Amber Arcilla (57kg); at Nashica Tumasis (freestyle 53kg).

Sinusulat ito’y pinaglalabanan pa ang arnis. Habang ang sambo, taekwondo at muay ay ­magsisimula ngayong Miyerkoles. (ANN ENCARNACION)

252

Related posts

Leave a Comment