AGAD pinunan ni Dave Apolinario ang kawalan ng world boxing champ ng Pilipinas matapos pabagsakin sa unang round lang ang nakalabang si dating three-division world champion Gideon Buthelezi, para sa IBO flyweight title sa International Convention Center, East London, South Africa (Sabado, Manila time). Gamit ng 23-anyos Pinoy southpaw ang solid left straight-right hook combo, tuluyan niyang pinatumba ang South African, 10 segundo ang natitira sa first ng nakatakdang 12-round bout. Nanatiling walang talo si Apolinario sa 17 laban na may 12 knockout record– isang magandang pangitain lalo’t magkakasunod nalagas…
Read MoreCategory: SPORTS
11th ASEAN ParaGames 2 GOLDS SA PINOY SWIMMERS
NAKASIKWAT ang Team Pilipinas ng magkasunod na gold medal sa pamamagitan nina two-time Paralympian Ernie Gawilan at bagitong si Roland Sabido sa 11th ASEAN Para Games swimming event sa Surakarta, Indonesia. Inangkin ni Gawilan ang unang ginto ng bansa sa 400m freestyle S7, bago sinundan ng ikalawang ginto ni Sabido sa 400m freestyle S9. Lumangoy ng silver medal si Arnel Aba sa 400m freestyle S9, habang bronze si Edwin Villanueva sa 400m freestyle S8, at bronze medal din si Daniel Enderes Jr. sa athletics men’s 5000 T20. Una rito, nagkasya…
Read MorePAALAM NBA GREAT, BILL RUSSELL
Ni VT ROMANO UMAAPAW ang pakikidalamhati at papuri kay NBA great Bill Russell, ang cornerstone ng Boston Celtics dynasty na nagwagi ng 11 NBA titles, bukod sa pagiging boses pagdating sa social justice. Namayapa ang basketball great nitong Linggo (Lunes sa Manila), edad 88. “Bill Russell, the most prolific winner in American sports history, passed away peacefully today at age 88, with his wife, Jeannine, by his side,” saad ng official statement ng pamilya sa social media. Lahat ng 11 titles ni Russell sa Celtics, kasama rito ang walong sunod…
Read MoreEJ Obiena may ginintuang puso
SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA HULYO 28, ngayon taon, makalipas handugan ang Pilipinas ng kauna-unahang bronze medal sa World Athletics Championships, idineklara ng pandaigdigang pederasyon si pole vaulter Ernest John Obiena bilang pangatlong pinakamagaling sa mundo. Nauna lang sa kanya sina gold medalist at world record holder Mondo Duplantis ng Sweden at silver medalist Christian Nilsen ng USA. Batay sa pamantayang ipinatutupad ng pederasyon sa pagra-ranggo ng pinakamagagaling na atleta sa daigdig sa track and field, ang 26-anyos na Pilipinong Olympian ay nakaipon ng 1,408 points,…
Read MoreOKBET, MPBL NAGPASAYA SA BACOLOD
TULAD ng pangako ng OKBet, nangungunang Pinoy gaming platform sa bansa, ginawa nitong mas makakaaliw para sa mga manonood ang 4th season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) provincial games. Sa Bacolod City, nagmistulang MassKara Festival ang ‘OKBet Goes To Bacolod’ noong Hulyo 18 sa University of St. La Salle Gymnasium na tinampukan ng games sa pagitan ng host team Bacolod Bingo Plus, Valenzuela City XUR Homes Realty Inc., Zamboanga Family’s Brand Sardines, at Nueva Ecija Rice Vanguards. Dagdag nagpasaya ang lokal performers suot ang ilang costume ng pamosong MassKara…
Read MoreNBL INTER-CITY CHAMPIONSHIP
ISASAKATUPARAN ng National Basketball League (NBL)- Philippines ang pagdiskubre ng mga kabataan at mahuhusay na manlalaro mula sa kapuluan sa pagsasagawa ng serye ng Inter-City basketball championships. Ang tournament ay magsisimula sa Sta.Rosa Multi-Purpose Stadium sa Sta. Rosa, Laguna sa Agosto 6, ayon kay NBL Organizing Committee Chairman Leonardo “Ding” Andres. “The NBL Inter-City Championship which kicks off in Sta.Rosa, Laguna is only the beginning. Madami pa itong kasunod,” saad ni Andres sa kanyang pagbisita sa 31st “Sports On Air” program via Zoom. Aniya, ang torneo ay sanctioned ng Basketball…
Read MoreWorld Chess Olympiad PH WOMEN MAY 2 PANALO
MAGKASUNOD na tagumpay ang naitala ng Philippine women’s team, habang inaalat ang men’s squad sa Round 2 ng World Chess Olympiad sa Chennai, India. Pinabagsak ng 39th seed Pinays ang 78th seed Nicaragua, 2.5-1.5, upang makibahagi sa ika-28 puwesto sa 162 bansa, habang ang 52nd ranked men’s team ay bumaba sa 59th spot sa 180 bansa matapos mabigo sa 6th seed Azerbaijan, 1-3. Binuksan ni women’s GM Janelle Mae Frayna ang kampanya ng mga Pinay sa pagsupil kay WIM Maria Esther Granados Diaz sa Board 1, habang nasungkit ni WFM…
Read MorePBA MAGSASAKRIPISYO SA GILAS
Ni VT ROMANO DALAWA mula sa tatlong komperensya ang naka-kalendaryo sa PBA Season 48. Ito ay bilang suporta sa kampanya ng national basketball team para sa FIBA World Cup, kung saan co-host ang Pilipinas mula Agosto 25 hanggang Setyembre 23, 2023. Una rito, ipahihiram ng PBA ang mga manlalaro mula sa 10 teams, na hindi lumalaro o hindi lalaro sa Philippine Cup title series, para sa komposisyon ng Gilas Pilipinas na sasabak sa susunod na buwang FIBA World Cup Asian Qualifiers fourth window. “All-out ang support natin para sa Gilas,”…
Read MoreEJ OBIENA TUMALON SA TOP 3
MULA sa top 6, umakyat si pole vaulter EJ Obiena sa top 3 ng World Athletics Ranking kasunod ng kanyang historic bronze-medal finish sa 2022 World Championships. Siya ang unang Filipino athlete na nanalo ng medalya sa nasabing torneo, na ginanap sa Eugene, Oregon, USA. Ayon sa July 26 men’s world pole vault ranking, ang Tokyo Olympian at Asian record holder na si Obiena ay pangatlo na ngayon, sa likod nina Sweden’s Armand Duplantis at Christopher Nilsen ng US. Nahigitan na ng 26-year old Pinoy ang Rio Olympic gold medalist…
Read More