FIBA 3×3 Asia Cup GILAS 3X3 USAD SA MAIN DRAW

Ni ANN ENCARNACION BUMIDA sa Gilas Pilipinas 3X3 si Almond Vosotros upang ligwakin ang Indonesia at umabante sa main draw ng FIBA 3×3 Asia Cup sa Singapore. Nagpakawala si Vosotros ng 5 long-range jumpers at pinangunahan ang Gilas sa 21-15 victory kontra Indonesia noong Huwebes. Tumapos siya na may 11 points at inakay ang Gilas sa tuktok ng Group C sa 2-0 record. Una rito ay tinalo ng Pili­pinas ang Jordan, 21-19. Nag-ambag si Purefoods’ Joseph Eriobu ng 8 points, habang sina Samboy de Leon at Lervin Flores ay may…

Read More

15th AFF WOMEN’S CHAMPIONSHIP FILIPINAS KAKAPIT SA LIDERATO

WALA sa plano ng ­Philippine women’s football team na bumitaw sa liderato ngayong gabi kontra Malaysia sa ginaganap na 15th Asean Football Federation ­Women’s Championship sa Rizal Memorial Stadium. Huling hinagupit ng World Cup bound Filipinas ang Singapore, Miyerkoles sa dominanteng 7-0 panalo para agawin ang liderato sa Group A ng torneo. Giniyahan ni Team captain Tahnai Lauren Aniss ang Pinay booters sa ika­lawang sunod na pa­nalo, matapos ma-upset ang no.12 world ranked Australia (1-0) noong Lunes. Umiskor si Aniss sa ika-10 minuto mula sa goal ng Singaporean na si…

Read More

PANGALAN NG NAIA, PINAPAPALITAN NI CONG. ARNIE TEVES

IBA’T IBANG reaksyon sa social media ang lumutang dulot ng panukala ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na layong palitan ang pangalan ng NAIA o Ninoy Aquino International Airport. May mga pumuri pero may mga bumatikos din. Sabi ng ilang netizens, mas maiging pagtuunan daw ng pansin ng mga mambabatas ang patong-patong na problema ng bansa. Mahalaga raw ang COVID-19 response, pagpapabuti sa ekonomiya, at marami pang iba. May mga tumawag pa nga sa kanya na “sipsip” kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. Sa palagay ko naman, wala…

Read More

6 koponan ng RSA at MVP pasok sa PH Cup Top 8

HINDI pa tapos ang elimination round ng 47th PBA ­Philippine Cup ngunit gaya ng dati, mga pamilyar na mukha ang ­nangunguna sa Top 8 na papasok sa quarterfinal round. Nitong Miyerkoles, tinablahan sa liderato ng Barangay Ginebra, na pansamantalang minementor ni interim coach Richard del Rosario na humalili sa nasa US na si head coach Tim Cone, ang San Miguel Beer nang selyuhan ng Kings ang 106-82 panalo kontra Terrafirma Dyip sa Araneta Coliseum. Ngayon ay pantay na muli sa 6-1 panalo-talo ang sister teams na pag-aari ni San Miguel…

Read More

KALIWANG BRASO NI DIDAL REDI NA SA 2024 OLYMPICS

NAGPALAGAY si Margielyn Didal ng Olympic rings na tattoo sa kanyang kanang braso bilang alaala sa ­makasaysayang skateboard debut niya sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon. Kaya marami ang humuhula na nirereserba niya ang kaliwang braso para sa 2024 Paris Games. Sa una sa maraming ­qualifying meet sa Paris Olympics, nakapasok si Didal sa round of 32 skaters at kinalaunan ay tumapos sa ika-18 puwesto sa World Street Skateboard ­Championships sa Rome, Italy. Ang Asian Games gold medalist ay nakatipon ng 37.95 puntos sa Open qualifier at nadagdagan pa ito…

Read More

BMX NATIONAL CHAMPIONSHIPS

BIBIDA si Asian Junior champion Patrick Coo sa PhilCycling BMX National Championships sa susunod na linggo sa Tagaytay BMX Park. Sinabi ni PhilCycling vice-president at BMX commission chairman Oscar Rodriguez sa RP2, dumating sa bansa ang 20-anyos na Filipino-American dalawang linggo na ang nakararaan. Nabatid na ang based sa Bellflower, California na si Coo ay nagsasagawa rin ng cycling clinics kasama ang mga lokal na BMX riders. Maliban kay dating Asian Games at SEA Games champion Danny Caluag at kapatid na si CJ, si Coo ay isang shoo-in winner sa…

Read More

2022 FESSAP TABLE TENNIS C’SHIP

PAPALO ang 2022 Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) National Inter-Scholastic ­Table Tennis Championship sa Hulyo 9-10 sa Robinson Novaliches Trade Hall, ­Quezon City. Nangungunang collegiate teams sa bansa ang magla­laban-laban para sa men’s and women’s team events at may boys and girls high school competition sa two-day tourney na magsisilbing qualifier para sa national team na isasabak sa World School Games. Inorganisa ng Table Tennis Association for National ­Development (TATAND), ang torneo ay suportado ng ­Robinsons Novaliches, Joola Philippines, Green Paddle Equipment Inc., Toto Pol Fish…

Read More

GILAS WOMEN 3×3 PALABAN SA ASIAN CUP

DESIDIDONG bumawi ang Gilas Pilipinas women’s 3×3 team sa FIBA 3X3 Asia Cup sa Singapore. Nagsimula kahapon (Hunyo 6) hanggang 10 ang torneo kung saan tatangkain ng mga Pinay na bumangon mula sa pagkabigong ipagtanggol ang gintong medalya sa 3X3 competition sa nakaraang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Pangungunahan ang national women’s squad ng beteranang si Afril Bernardino, kasama sina Camille Clarin, Khate Castillo at Katrina Guytinco na kasamahan niya rin sa 5-on-5 team. Maliban kay Bernardino, sasandalan ng Gilas si Clarin ng National University na nag­kampeon sa…

Read More

2022 PBA Philippine Cup UNAHAN SA TOP 8

Ni ANN ENCARNACION ASAHAN ang mainitang sagupaan ngayon (Huwebes) sa pagitan ng NLEX Road ­Warriors at Converge FiberXers na ­kapwa naghahangad maka­kuha ng silya sa quarterfinals ng 2022 PBA Philippine Cup. Pipilitin naman ng San Miguel Beermen na mapanatili ang ­liderato kontra rumaratsada nga­yong TNT Tropang Giga. Maghaharap ang Road Warriors at FiberXers sa unang game ng double-header sa Smart ­Araneta Coliseum, 5:15 ng hapon. Kasalukuyang nasa ikalima sa team standing ang NLEX (4-3) na hindi maaaring magkampante kontra Converge (2-5) na inaasahang kakayod ng husto lalo’t nasa alanganing ikawalong…

Read More