UST TIGERS NILAYASAN NG COACH

BUMITAW na si Jinino ­Manansala bilang head coach ng dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) champ, University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers. “Hindi na po ako ang hahawak sa UST Tigers. ­Nagpaalam na po ako sa pamunuan ng UST. Hintayin na lang po natin ang announcement nila kung sino ang kukunin for next season,” sabi ni Manansala sa virtual session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong nakaraang linggo. Hindi maganda ang ipinakita ng Tigers sa nakaraang UAAP Season 84, 3-11 win-loss at lamang lang ng isang…

Read More

MARGIELYN DIDAL, 18th PLACE SA ROME

MULING sumabak sa international tournament si Tokyo Olympian Margielyn Didal bilang preparasyon sa 2024 Paris Olympics. Sumalang siya sa 2022 Street Skateboarding Rome leg, unang qualifying event para sa 2024 Games kung saan pumasok siya sa ika-18 puwesto. Mula sa total 63 ­skateboarders sa Women’s Open Qualifier ng World Street Skateboarding Cup sa Rome, Italy, nakapagtala ang Pinay ng kabuuang 37.95 puntos sa dalawang run. Ang 23-anyos na si Didal, gold medallist sa Southeast Asian Games at 2018 Asian Games ay tumapos na ikapito sa nakaraang Tokyo Olympics. Umaasam siya…

Read More

PBA PoW: BLACKWATER ROOKIE

BUMALIKWAS ng 360-degree ang Blackwater Bossing na matapos ang historic losing streak sa PBA ay may impresibong 4-1 win-loss card sa ongoing PBA Philippine Cup. Matikas sa ikatlong puwesto ngayon ang Blackwater, sa likod ng nangungunang San Miguel Beer (6-1) at pangalawang Barangay Ginebra (5-1). At dahilan ng pinakamagandang kampanya ng koponan ay ang team effort sa pangunguna ng kanilang freshman rookie na si Renato ‘Ato’ Ular. Si Ular, second-round pick mula sa NCAA champion Letran Knights, ay malaki ang inaambag sa ­Bossing lalo sa dramatikong 90-89 victory kontra last…

Read More

BLACK MAY BILIN SA MERALCO

Ni ANN ENCARNACION “WE really have to pick things up moving forward.” Ito ang sinabi sa kanyang players ni Meralco Bolts coach Norman Black bago umalis ­patungong Estados Unidos. Nag-file ng emergency leave si Black noong nakaraang linggo upang alagaan ang inang maysakit. Pansamantalang papalit sa kanya si assistant coach Ronnie Magsanoc. Ngunit bago lumipad pa-US, si Black pa ang nag-coach sa Bolts kontra Blackwater noong Huwebes. Wagi ang Bossing, 89-90, na labis na ikinadismaya ng ­dating PBA import. “Whenever you lose, it’s a big concern because you’re going down…

Read More

REMATCH SA PILIPINAS DAPAT

ROLL VTR Ni VT ROMANO HIHILING ng rematch ang kampo ni Filipino boxer Rene Mark Cuarto matapos ang split decision loss sa kamay ni Mexican Daniel ‘Cejitas’ Valladares, upang tanghaling bagong IBF miniflyweight champion, Biyernes ng gabi sa Monterrey, Mexico. Ayon kay Sean Gibbons, MP Promotions president na siyang nagma-manage kay Cuarto, hindi katanggap-tanggap ang naging resulta, kung saan ang mga iskor: 116-111 at 115-112 pabor kay Valladares at 114-113 naman kay Cuarto. “We feel like we absolutely won the fight. The referee had a bad night. He’s usually a…

Read More

Thrilla In Manila: Paano nagsimula?

TRIVIA Ni EDDIE ALINEA “YOU gotta have a butterfly net to catch me… It’s gonna be a chilla, and a thrilla, when I get the Gorilla in Manila.” Ito ang sinabi mismo ni world heavyweight champion “The Greatest” Muhammad Ali noong Hulyo 17, 1975 kaugnay sa naka­takdang pagtutuos nila ng challenger na si “Smokin” Joe Frazier noong Oktubre 1, nasabing taon sa Maynila. At sa harap ng international media, inilabas ng 33-anyos na kampeon ang isang maliit na gorilyang laruan na gawa sa goma at pinaghahampas ito. Mula noong mga…

Read More

OBIENA NO.1 SA JUMP AND FLY

DAGLIANG bumawi si Filipino pole vaulter EJ Obiena mula sa sixth place finish sa Stockholm leg ng Diamond League nang mangibabaw sa Jump and Fly meet sa Weiherstadion, ­Hechingen sa Germany. Nalampasan ni Obiena ang 5.80-meter sa third attempt upang tumapos na first place sa torneo nitong Hulyo 2. Tinangka niyang mag-set na bagong personal best ngunit bigo siyang talunin ang 5.94-m. Pumangalawa sa Pinoy si China’s Huang Bokai (5.50-m) habang pumangatlo si Germany’s Vincent Hobbie (5.10-m). Bago ang Jump and Fly, 6th placer lang si Obiena sa BAUHAUS-Galan sa…

Read More

Kai out sa Gilas pero… THIRDY AT PARKS PASOK!

Ni ANN RNCARNACION ISINARADO na ang pintuan ng Gilas Pilipinas sa 7-foot-3 na si Kai Sotto para sa Olympic qualifier 2022 FIBA Asia Cup sa Gelora Bung Karno (GBK) Sports Complex (Istora), ­Jakar­ta, Indonesia sa Hulyo 12–24. “He has decided to do some other thing and forego the Fiba Asia Cup,” malungkot na pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Chot Reyes Linggo ng gabi, matapos itala ng Gilas ang 79-63 panalo kontra India sa 2023 Fiba World Cup Asian qualifiers. Ngunit idadagdag sa national squad sina Thirdy…

Read More

Obiena at Yulo naghahanda na sa 2024 Paris Olympics

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA PINAGHAHANDAAN na nina pole vaulter ­Ernest John Obiena at gymnast Carlos Yulo ang XXXIII Games of the Olympiad na gaganapin dalawang taon mula ngayon sa Paris, France. Nagkataong ang 2024 Paris Games ay ika-100 taong paglahok din ng Pilipinas sa Olimpiyada, matapos unang katawanin ng sprinter na si David Nepomuceno ang bansa sa pangunahing lungsod ng France noong 1994. Kaya’t marapat lang na paghandaan ito nang mas maaga dahil sa kahalagahan nito sa history ng ating bansa, at upang magtuloy-tuloy ang…

Read More