Ni VT ROMANO SA kabila ng report na may ‘impasse’ sa pagitan ng Brooklyn Nets at ni Kyrie Irving, sinasabing gagamitin ng seven-time NBA All-Star ang $36.9 million player option sa kanyang kontrata para sa 2022-23 season, ayon sa ulat ni Sham Charania ng The Athletic. Na-quote si Irving at sinabing: “Normal people keep the world going, but those who dare to be different lead us into tomorrow. I’ve made my decision to opt in. See you in the fall. A11 Even.” Bunga nito, makakapirma na si Irving ng extension…
Read MoreCategory: SPORTS
2022 FIBA U16 Women’s Asian C’ship GILAS WOMEN’S SWAK SA SEMIS
Ni VT ROMANO WINALIS ng Gilas Pilipinas women’s team ang Group A ng 2022 FIBA Under-16 Women’s Asian Championship Division B, matapos idemolis ang Samoa, 94-65, nitong Linggo sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan. Limang tres para sa team-high 22 puntos ang ibinato ni Kristan Geyl Yumul para sa Pinay dribblers at kunin ang outright semifinals berth ng eight-team event. Mula sa 15-point lead sa first half, kumamada pa at nagpaulan ng puntos ang Pilipinas upang ang 67-52 lead ay gawing 83-55, kasunod ng jumper ni BJ Villarin, 7:03…
Read MorePilipinas binago ng ‘Thrilla In Manila’
SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA ALAM ba ninyo na muntik nang hindi natuloy ang heavyweight championship fight nina ‘The Greatest’ Muhammad Ali at ‘Smokin’ Joe Frazier na tinawag na “Thrilla In Manila” noong Oktubre 1, 1975? Ayon kay Louisville Lip, masasamang balita ang nababasa niya noon sa malalaking pahayagan sa Estados Unidos tungkol sa Pilipinas kaya inisip niyang ‘di na tuparin ang kontrata. At sa isang impormal na pakikipag-usap ni Ali sa mga mamamahayag sa kanyang Manila Hotel suits ilang araw bago ang laban, inamin niyang nangangamba siya at kanyang…
Read More‘WAG MAG-EXPECT SA GILAS PILIPINAS
Ni ANN ENCARNACION ITO ang panawagan ni Gilas Pilipinas coach Nenad Vucinic sa publiko kaugnay sa build-up ng team tungo sa third window ng FIBA World Cup Asian qualifiers. “It’s important for our public not to put too [many] expectations on them because they’re still very young and inexperienced players at the international level,” ani Vucinic. “What we’re trying to achieve is first, team spirit – a character for the team to play hard against any opposition. We want to see players that are possible for the future of Gilas,…
Read MoreNO.1 vs MOST POPULAR TEAM
Ni ANN ENCARNACION SINO ang mangingibabaw sa pagitan ng nangungunang San Miguel Beer at nananatiling pinakasikat na team sa liga na Barangay Ginebra, sa elimination round ng 2022 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena? Maghaharap ang dalawang koponan sa main game Biyernes, alas-6 ng gabi, kung kailan pipilitin ng SMB na manatiling perpekto habang sisikapin ng Gin Kings na maituloy ang momentum mula sa pagwawagi nitong Miyerkoles kontra NLEX. Nakamit ng Beermen ang ikatlong sunod na panalo nang daigin ang Magnolia, 87-81, upang masolo ang liderato. Umangat naman…
Read MoreSTA. ROSA COCKERS ALLIANCE (SRCA) NI BOSS RICHARD ‘RIPER’ PEREZ ILULUNSAD SA HULYO 5
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG HALATANG atat na ang mga sabungero sa pagbabalik ng normal na operasyon ng e-sabong sa bansa. Ngunit wala pang eksaktong petsa kung kailan ito bubuhayin muli. Kaya inaabangan ito ng mga talpakeros at talpakeras. Maliban dito, excited na rin ang mga sabungero sa paglulunsad ng Santa Rosa Cockers Alliance (SRCA) ni Boss Richard ‘Riper’ Perez. Kung hindi ako nagkakamali, ang launching ng SRCA ay gaganapin sa July 5, 2022 (Martes), bandang alas-11:00 ng umaga sa Summer Palace Restaurant, Edsa Shangri-La Hotel na matatagpuan…
Read MorePancho Villa: Unang Pilipinong world boxing champion
SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA SIYAMNAPU at siyam na taon (99) na ang nakalilipas nang sa unang pagkakataon ay maging pandaigdig na kampeon sa boksing ang isang Pilipino sa katauhan ni Pancho Villa. Ika-18 ng Hunyo 1923 nang ang 22-anyos na si Villa (Francisco Guilledo sa tunay na buhay), anak ng isang vanquero o manggagawa sa asyenda na iniwanan ng asawa, ay pinatulog sa ibabaw ng lona sa pitong round ang katunggaling si Jimmy Wilde ng Wales para iuwi ang pandaigdig na korona sa flyweight (112…
Read More47th PBA Philippine Cup ABUEVA SUSPENDIDO ULIT!
Ni ANN ENCARNACION NAULIT ang kasaysayan kay Calvin Abueva, na suspendido na naman bagama’t para sa isang game lang. Sinuspinde ng PBA si Abueva dahil sa ‘unsportsmanlike conduct’ sa unang ‘Manila Clasico’ ngayong 2022 Philippine Cup sa pagitan ng Magnolia at Ginebra noong Linggo. Maliban sa one-game suspension, pinagmulta rin ng liga si “The Beast” ng P10,000 matapos ma-eject sa 89-84 win ng Hotshots kontra Gin Kings. Nagsimula ang lahat nang higit 9-minuto sa fourth quarter ay nagkadikitan at nagkasagutan sina Abueva at Ginebra guard Nards Pinto. At dahil may…
Read MorePITMASTER FOUNDATION PINARANGALAN NG PHIL. NAVY
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG KINILALA ng Philippine Navy ang Pitmaster Foundation bilang katuwang sa ‘nation building’ at ‘humanitarian assistance’. Nagpapasalamat naman si Atty. Caroline Cruz, executive director ng foundation, sa Navy sa tinanggap nilang pagkilala. “Isang karangalan na mabigyan ng ganitong pagkilala kaya naman tuloy-tuloy ang pag-aabot natin ng tulong para sa mga nangangailangan nating mga kababayan,” wika ni Cruz. Mula nang mag-umpisa ang pandemya, libu-libo na ang nabigyan ng tulong ng grupo. Nagkaproblema nga lang sila nang matigil ang operasyon ng e-sabong sa bansa. Kaya nahihirapan…
Read More