FINAL SECONDS TIMEOUT, BAWAL BA?

ROLL VTR Ni VT ROMANO NAGING mainit na topic ang ‘banggaang’ Pido Jarencio at Ariel Vanguardia, head coaches ng NorthPort at Blackwater sa PBA, ayon sa pagkakabanggit. Nakita natin sa video, hindi tinanggap ni coach Jarencio ang handshake ni coach Vanguardia, sa halip binunggo niya ito ng kanyang tiyan/katawan matapos ang NorthPort-Blackwater game na pinagwagihan ng huli, 97-90. Maagap namang namagitan at umawat ang mga taong ­naka-­paligid sa kanila nang magkapalitan na ng maaanghang na salita ang dalawang coach. Bakit hindi nakipagkamay si coach Jarencio? Hindi niya nagustuhan ang ginawang…

Read More

PSTC PARA SA FUTURE PH ATHLETES – PDu30

PINANGUNAHAN ni Presidente Rodrigo Duterte ang groundbreaking rites ng Philippine Sports Training Center (PSTC) sa Bagac, Bataan kamakailan. PSTC ang magsisilbing state-of-the-art sports training facility para sa future national athletes, ayon kay Duterte. “This project shows our concerted effort and how it can create a huge impact in the future of our athletes and of the Filipino youth as a whole. With this facility I am confident, we will raise and develop more world-class athletes who will represent the Philippines in international competitions and usher the Philippine sports industry here…

Read More

GINEBRA’s WORLD GIN DAY

WALANG hamon na hindi malalagpasan ang mga Pinoy. Ito ang pinatunayan ng Barangay Ginebra matapos ­muling magkampeon sa ika-apat na pagkakataon sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup. Matatandaang dinaig ng Ginebra ang Meralco Bolts, 103-92, para tapusin ang best-of-seven final series sa rekord na 4-2. Kaya sa 47th season’s Philippine Cup, paboritong manalo ang Gin Kings. At kasabay nang unti-unting pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic, ipinagdiwang muli ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang World Gin Day (WGD) noong Hunyo 10 sa Makati Diamond Residences at…

Read More

U21 Bowling World Championship 8 PINOY BOWLERS UNDERDOGS

Ni ANN ENCARNACION WALONG promising bowlers ang kakatawan sa Pilipinas sa Under 21 International Bowling Federation World Championship sa Sweden. Sila ay sina Australian-based Jordan Dinham, Danielle Evangelista, Marc Custodio, Stephen Diwa, Grace Gella, Norel Nuevo, Alyssa Ty at Dale Lazo na umalis na patungong Helsingborg City noong Hunyo 18. Gigiyahan ang Philippine team ni 2010 Asian Games gold ­medallist at kasalukuyang ­national coach Biboy Rivera, sa torneo na gaganapin simula Hunyo 20 hanggang 29 sa 20-lane Olympia Bowling Center. Nagsanay ang Pinoy bowlers mula pa noong Oktubre ng nakaraang…

Read More

GSW LIYAMADO SA 2023 NBA SEASON

MULING tinanghal na NBA champion ang Golden State, matapos talunin ang Boston noong Huwebes (Biyernes sa Manila), 103-90, para sa ikaapat na titulo ng koponan. Halos katatapos lamang ng panalo, naka-post na agad sa BetMGM ang odds kung saan paborito ang tropa ni coach Steve Kerr para sa 2023 NBA Finals. Bukod sa NBA champion, inilabas din ng BetMGM ang 2022-23 NBA MVP odds at si Philadelphia 76ers center Joel Embiid ang paborito @ +500. Habang si back-to-back MVP Nikola Jokic ng Denver Nuggets ay pang-apat sa listahan +850. Nasa…

Read More

Naka-3 golds sa Asian C’ships CALOY YULO SWAK SA WORLD C’SHIPS

Ni VT ROMANO SA ikatlong sunod na pagkakataon, swak si Carlos Yulo para sumabak sa World Championship sa Liverpool, United Kingdom bago matapos ang taon. Ito’y makaraang makahablot ng tatlong ginto sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar. Ibinulsa ng 22-anyos Tokyo Olympian ang gold sa men’s vault, umiskor ng 14.800 points. Tinalo niya sina Tachibana Shiga ng Japan (silver) at Kim Hansol ng Korea (bronze). Bago ito, sinungkit ni Yulo ang unang ginto noong Biyernes sa men’s floor ­exercise, sinundan ng tagumpay sa parallel bars (15.617…

Read More

CONG. ARJO ATAYDE, SUMABAK NA SA TRABAHO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG PINALAD na makasungkit ng puwesto sa katatapos na 2022 local and national elections si Quezon City First District ­Congressman-elect Arjo Atayde. Dahil isa na ngang ganap na lingkod-bayan, marami ang nagtatanong kung tuluyan na nga ba niyang tatalikuran ang mundo ng show business. Pero negatibo ang sagot ni Atayde. Katunayan daw, katatapos lang nilang mag-shoot ng ‘Cattleya Killer’ bago ang campaign period. Hindi raw siya titigil ngunit mas prayoridad daw niya ang kanyang distrito. Talagang nasa puso niya ang trabaho bilang isang aktor.…

Read More

Greatest of All Time na ba si Steph Curry?

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA MAYROON pa bang kailangang patunayan si Golden State point guard Stephen Curry matapos muling tanghaling hari ng NBA ang Warriors? Lahat halos ng dapat hilingin ng isang manlalaro ay nasa kanya na – walong beses na miyembro ng All-Star Team, dalawang beses na MVP ng liga (isa rito ay iginawad sa nagkakaisang hatol), dalawang beses na scoring champion, All-Star Game MVP, at ngayon ay apat na beses na NBA champion pa. Matapos ang 2022 NBA Finals laban sa Boston Celtics noong…

Read More

Volleyball Nations League THAILAND PINADAPA CANADA

PINATAOB ng Thailand ang ­Canada sa tatlong set, 25-19, 25-22, 26-24, sa simula ng Week 2 ng Volleyball Nations League, Martes sa Smart Araneta Coliseum. Ikinasa ni Pimpichaya Kokram ang 20 puntos mula sa kanyang 19-of-34 attacks, habang pumalo si Chatchu-on Moksri ng dalawang service aces at tumapos na may 17 puntos sa pamamagitan ng 15-of-29 spikes para sa Thais. Ngayon ay may 4-1 panalo-talong record, nakabalikwas ang Thailand mula sa pagkatalo sa Week 1 sa Ankara, Turkey kung saan na-injure ang kanilang middle blocker na si Thatdao Nuekjang. Ang…

Read More