LEBRON, LAKERS UPOS SA HEAT

SA kanyang huling laro bilang 37-year-old player, bigo si LeBron James buhatin ang Los Angeles Lakers matapos yumuko sa kamay ng Miami Heat,112-98. Nakapaglista si James, 38th birthday ngayong Biyernes, ng ­average 30.1 points, habang si Karl Malone ay may 23.2 noong siya’y 37 anyos. Umiskor si Jimmy Butler ng 27 points, kasunod si Bam Adebayo (23 points at 14 rebounds) sa panalo ng Miami (18-17). Nagdagdag naman si Tyler Herro ng 18 points at nine assists. Habang sina Caleb Martin at Gabe Vincent tig-13 at 12 puntos, ayon sa…

Read More

3 PLAYERS TALSIK SA PISTONS-MAGIC GAME

TALSIK sa laro sina Killian Hayes, Moe Wagner at Hamidou Diallo nang magkagulo sa ­second quarter ng laro sa pagitan ng Detroit Pistons at Orlando Magic, Huwebes (Manila time) sa Little Caesars Arena sa Michigan. Wagi ang Pistons, 121-101. Nangyari ang gulo bago mag-halftime at lamang ng 19 puntos ang Pistons. Hinabol ni Wagner ang loose ball sa backcourt nang makihabol din si Hayes, at para hindi makuha ang bola binalya ni Wagner at bumagsak sa Pistons’ bench. Mabilis na sumugod si Diallo at itinulak si Wagner mula sa likuran,…

Read More

DRAGONS ALAM NA KAHINAAN NG KINGS

Ni ANN ENCARNACION GAYA ng ipinangako ng Bay Area, nakabawi ito sa Game 2 kontra Barangay Ginebra at naitabla ang best-of-seven series sa PBA Commissioner’s Cup. Nakuha ng Dragons ang tamang timpla upang sikwatin ang 99-82 panalo sa Gin Kings at gawing 1-1 ang kanilang finals series, Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Nagtulong-tulong sina Andrew Nicholson, Songwei Zhu, Hayden Blankley at Kobey Lam sa pagsalansan ng 83 puntos kasama ang 10 three-pointer, upang iahon ang Dragons mula sa 96-81 loss sa Kings noong Game 1. “We defended without fouling. We adjusted…

Read More

NESTHY PETECIO WALANG PAHINGA SA 2023

SASABAK si 2020 Tokyo Olympics silver medallist Nesthy ­Petecio sa 15 hanggang 19 torneo sa 2023. Kabilang sa lalahukan niya ang 2024 Paris Olympic Qualifier na 19th Asian Games sa Hangzhou, China. Si Petecio ang naging guest of honor sa pagtatapos ng 2022 PSC-Batang Pinoy National Championships sa Vigan City, Ilocos Sur. “Matindi po ang motibasyon na ipinakita sa akin ni BFF Hidilyn,” panimula ni Petecio. “Mas­yado po ako na-inspire sa kanya na kahit nag-gold na siya ay talagang nais pa niya patunayan na nagawa niya iyon para sa bansa…

Read More

CAVS, 9th VICTIM NG NETS

KAPWA kumamada ng tig-32 puntos sina Brooklyn Nets stars Kevin Durant at Kyrie Irving, na kinolekta ang ika-siyam sunod na panalo ng team sa 125-117 victory kontra Cleveland Cavaliers (Martes, Manila time). Bunga nito, tuluyang ­naungusan ng Nets ang Cavs sa pangatlong puwesto sa Eastern ­Conference. Angat ng 10 ang Brooklyn nang ma-foul out si Durant, 1:54 pa sa fourth quarter. Ngunit nanaig si Irving, naging ‘Robin’ ni LeBron James sa 2016 championship run ng Cleveland, laban sa dating koponan. Sa pamamagitan ng floater ni Cavs’ Darius Garland naibaba sa…

Read More

PBA Commissioner’s Cup Finals GINEBRA AARIBA

Ni ANN ENCARNACION IKALAWANG sunod na panalo ang target ng Barangay Ginebra laban sa Bay Area sa Game 2 ng best-of-seven finals series ng PBA Commissioner’s Cup. Ganap na 5:45 ng hapon ngayon (Miyerkoles) nakatakda ang sagupaan ng Gin Kings at Dragons sa Araneta Coliseum. Tinibag ng Gin Kings ang No. 1 team sa elimination round sa Game 1 sa araw mismo ng Pasko sa iskor na 96-81, sa harap ng naghihiyawang 18,252 fans sa MOA Arena. Muling sasandalan ni Ginebra coach Tim Cone si resident import Justin Brownlee, maging…

Read More

West Java Fencing Challenge JULIANA GOMEZ NANGONGOLEKTA NG GINTO

WAGI muli ng gintong medalya si Juliana Gomez, sa pagkakataong ito sa West Java Fencing Challenge sa Bogor, Indonesia. Sa Instagram ay binati si ­Juliana ng amang actor-politician na si Richard Gomez at maging ng kanyang coach na si Benny Garcia. “Congratulations @gomezjuliana for winning the Gold in the West Java ­Fencing Challenge 2022…,” post ni ­Garcia. “You make our country proud! Congratulations to Coach Benny Garcia as well,” pahayag naman ni Gomez, kasalukuyang ­presidente ng Philippine Fencing Association Ibinahagi naman ng dalaga, last competition of the year niya ang…

Read More

COMPUESTO AT VILLARAN ISASABAK SA ASIAN YOUTH

TINAPIK ng Philippine ­Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang dalawang ­sprinter na sina Leonelyn Compuesto ng Masbate at Mico Villaran ng Bacolod City para sa Asian Youth Athletics ­Championships. Sinabi ni PATAFA Secretary General Edward Kho, ­makakasama ang dalawa sa pambansang delegasyon na isasabak sa Asian Youth sa Tashkent, Uzbekistan sa Abril 27, 2023. “Hindi pa naman final ang list but they are on top of the ­shortlisted based on their ­performances,” paliwanag ni Kho. Ang Masbate Sports ­Academy standout na si Compuesto ay nakapagwagi ng limang gintong medalya…

Read More

UP BABAWI

KATATAPOS lang ng University Athletic Association of the ­Philippines (UAAP) pero may plano nang rumesbak ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa susunod na taon. Makaraang magkampeon noong Mayo matapos ang 36-taong paghihintay, agad nabitawan ng Maroons ang UAAP crown noong Lunes, nang daigin sila ng Ateneo de Manila University sa Season 85 men’s ­basketball finals, c, sa winner-takes-all Game 3. Fourth title ito in last five seasons ng Blue Eagles. “I feel really sad,” wika ni UP center Malick Diouf, tinanghal na Most Valuable Player sa Season…

Read More