Cebuana Lhuillier mamimigay ng mahigit ₱20 milyong papremyo! Sali na at baka ikaw na ang Mega Pawnalo Winner!

Cebuana Lhuillier, ang nangungunang microfinance services provider sa bansa, ay merong Mega Pawnalo Raffle Promo mula September 1 hanggang November 30, 2025 sa mahigit 3,500 branches nationwide.

Bawat sangla ay may katumbas na raffle entries at pagkakataong manalo ng mahigit ₱20 milyong papremyo.

“Bilang pasasalamat naming sa tiwala at suporta ng milyun-milyong patuloy na pumipili sa Cebuana Lhuillier bilang katuwang sa inyong mahahalagang transaksyon,” ayon kay Jean Henri Lhuillier, President at CEO ng Cebuana Lhuillier. “Kami ay nagkaroon ng Mega Pawnalo Raffle Promo, para maghatid hindi lamang ng maaasahang serbisyo, kundi tulong at dagdag na kasiyahan sa buhay ng mga Pilipino.”

Nasa 770 winners ang makakatanggap ng ₱1,000 cash sa lingguhang draws, habang sa Grand Draw, may 9 brand-new Toyota Wigo at 45 Honda Click motorcycles na naghihintay sa mga masuswerteng mananalo.

Ang pagsali sa Mega Pawnalo Raffle Promo ay ginawang simple, para matiyak na ang bawat Pilipino ay may pagkakataon para sumali at manalo.

PAANO SUMALI:
1. Bukas ang promo para sa lahat ng Pilipinong gagamit ng qualified products at services ng Cebuana Lhuillier sa mahigit 3,500 branches nationwide sa buong panahon ng promo.

1. Ang bawat transaksyon na gagawin sa isang araw at kaparehong branch ay may katumbas na e-raffle entries, kung saan ang bilang ng entries ay depende sa uri ng kanilang transaction.

Sa bawat bagong pawn transaction, makakakuha ng isang (1) e-raffle entry ang mga kasalukuyang kliyente, habang ang mgabagong kliyente na magrerehistro at agad magsasangla bilang kanilang unang transaksyon ay makakatanggap ng dalawang (2) entries.

Bukod dito, makakakuha rin ng dagdag na entries ang sumasali para sa bawat qualified transaction na gagawin sa parehong araw at branch. Kasama dito ang domestic at international remittance (sending o payout), remit to account, ProtectMax, HealthMax, Pamilya Care Plus, CTPL, pagbubukas ng Micro Savings account, corporate payouts, collections, cash in, cash out, at bills payment—at bawat transaksyon ay katumbas ng isang (1) e-raffle entry.

1. Makakapag-uwi ng mga exciting prizes ang mga mananalo kada-linggo bukod pa sa grand draws.

“Ang bawat pagbisita sa Cebuana Lhuillier ay hindi lang dapat matapos sa pagbibigay ng kanilang pangangailangang pinansyal, kundi magkaroon din ng pagkakataon na pahalagahan at suportahan ang bawat isa. Ang Mega Pawnalo Raffle Promo ay dinisenyo upang gawing mas makabuluhan ang kanilang pang-araw-araw na transaksyon habang pinatitibay ang ugnayan na aming nabuo sa maraming Pilipino sa buong bansa,” ani ni Jose Miguel Jimenez, Senior Vice President and Group Head, Pawnshop Operations.

Bumisita na sa pinakamalapit na Cebuana Lhuillier branch ngayon at baka ikaw ang isa sa mga mananalo sa Mega Pawnalo Raffle Promo!

57

Related posts

Leave a Comment