BALITANG NBA Ni VT ROMANO
INILISTA ng host Boston Celtics ang ikatlong sunod na panalo sa pagbida ni Jayson Tatum, may season-high 54 points tungo sa 126-120 win kontra Brooklyn Nets, Linggo ng hapon (Lunes sa Manila).
Nagsubi si Tatum ng walong 3-pointers at iniskor ang 34 ng kanyang puntos sa second half sa larong 28 nagpalitan ng lead at 19 nagtabla.
Na-outscore ng Cel-tics ang Nets sa final period, 37-30 at 18 ng puntos mula kay Tatum, kasama ang magkasunod na basket sa huling tatlong minuto.
Nakabalik na rin si Jaylen Brown matapos magtamo ng right ankle sprain noong Martes at ‘di nakalaro kontra Memphis noong Huwebes, nagsumite siya ng 21 points, kasama ang clutch corner 3-pointer nagbigay sa Boston ng seven-point lead sa huling 39.4 seconds.
Nagdagdag si Marcus Smart ng 14 points at nine assists, habang may 13 points si Al Horford at 10 points kay Robert Williams III.
Nagtala naman si Kevin Durant ng team-high 37 points para sa Brooklyn at maging 23rd player sa NBA history nakapaglista ng 25,000-point marker sa fourth quarter.
Nag-ambag si Kyrie Irving ng 19 points, may 16 si Bruce Brown at 14 mula kay LaMarcus Aldridge para sa Nets, nakakaapat sunod nang talo.
Umiskor si Durant ng 12 points sa 4-of-5 start ng Brooklyn, pero ang dalawang koponan ay hindi lumamang ng higit sa apat na puntos sa first quarter, hanggang makadale si Goran Dragic ng dalawang free throws tungo sa 34-29 score sa buzzer.
Sa first half, top scorer si Tatum, 20 points, 12 itinala sa second quarter. Nakahirit siya ng back-to-back 3 pointers sa 8-0 run ng Boston sa pagsisimula ng period.
Umabante ang Celtics, 42-39 mula sa layup ni Brown bago ang halftime. Sumagot ng 15-5 run ang Nets, tig-isang tres sina Cam Thomas at (Bruce) Brown sa nabanggit na stretch.
Rumesbak ang Celtics sa 54-47 deficit nang humirit ng seven straight points buhat ng dalawang dunks ni Tatum at stepback three. Dalawang beses pang nagtabla ang iskor bago ang hook shot ni Aldridge sa 1:07 mark, naglagay sa Brooklyn sa 60-58 halftime lead.
Bago matapos ang third, rumagasa ng 11-0 run ang Brooklyn tungo sa eight-point lead. Ang 3-pointer ni Tatum, 39.7 seconds na lang sa period ang nagpa-init sa eight-point run ng Boston para isara ang third.
CAVS SKID PUTOL
SA RAPTORS
PINUTOL sa tatlo ng host Cleveland Cavaliers ang losing skid nito, nang magtulong sina Lauri Markkanen (22 points at 12 rebounds) at Evan Mobley (20 points at 17 rebounds) para sa 104-96 win kontra Toronto Raptors.
May limang players ang Cleveland na may double figures, kabilang sina Darius Garland, 17 points at game-high 10 assists, Cedi Osman (17 points) at Kevin Love (15 points at nine rebounds). Si
Mobley, isang rookie, ay mayroon ding four assists at three blocks.
Nag 17 turnovers ang Cavs, kaya’t nakadikit ang Raptors, kung saan si Garland ay nagkomit ng pito, kaparehong bilang natamo ng buong Toronto team.
Pero, na-outscore ng Cavs’ bench ang Toronto, 37-8.
Bunga ng panalo, ang sixth-place Cleveland ay may tatlong larong agwat sa seventh-place Raptors sa Eastern Conference playoff race.
Masayang malungkot ang panalo ng Cavs, sanhi ng pagkawala ni All-Star center Jarrett Allen sa first quarter bunga nang bruised left quadriceps at hindi sigurado kung makakasama siya sa three-game road streak ng Cavs simula sa Martes sa Indiana.
Umiskor naman si Pascal Siakam ng game-high 24 points para sa Toronto, at 21 mula kay Chris Boucher. Nagdagdag si Gary Trent ng 19 points at si Scottie Barnes, 19 points at 12 rebounds.
Si Barnes, napilitang lumarong pointguard bunga nang injuires nina Fred VanVleet (sore knee) at Malachi Flyn (hamstring), ay walang turnover sa buong laro.
Ang Cavs ay may anim sunod na talo sa pitong laro at matapos ang laro nitong Linggo, wagi ang Cleveland sa tatlong meeting nito laban sa Toronto.
Sinimulan ng Raptors ang second half sa 15-3 run para makabalik sa laro, kung saan naibaba ng basket ni Trent ang abante ng Cavs, 62-21.
Pero bumawi ang Cavaliers sa 11-1 run at inangkin ang 73-62 lead matapos ang tatlong quarters, kung saan walang naging field goal ang Toronto sa huling 12 po-sesyon nito sa third period.
Bumato si Markkanen ng 18 points at may six rebounds para gatungan ang Cavs’ 59-46 lead sa halftime. Naghagis si Garland ng eight assists at nagdagdag si Mobley ng 10 rebounds.
Umiskor si Siakam ng 11 points sa Raptors sa first half, pero 3-of-13 lang sa floor. Mayroon lang 32.7% field shooting ang Toronto sa first half.
JAZZ NAGPAULAN
NG 3s SA OKC
NAGSUMITE si Bojan Bogdanovic ng 35 points, nagtala ng franchise record 11 3-pointers, at inakay ang Utah Jazz sa 116-103 panalo kontra Oklahoma City Thunder.
Wagi ang Jazz sa 10 nang huling 12 laro, habang ikalawang sunod na talo naman ng Thunder, 10 sa huling 13 nito.
Kagagaling lang buhat sa blowout loss sa New Orleans (124-90), kung saan nagtala si Bogdanovic ng ‘worst shooting game’ niya sa season, 1-of-11 sa floor at sablay ang lima sa anim niyang 3-point attempts.
Pero, laban sa Thunder, bumawi si Bogdanovic, nang makahirit ng apat na 3-pointers sa first quarter.
Si Bogdanovic ay nakagawa na ng walong 3-pointers sa laro nang tatlong beses, bago ang bagong rekord niya nitong Linggo.
Umabante ang Utah hanggang 23 sa 3rd quarter, bago sinimulan ng Oklahoma City maibaba ang deficit.
Dumikit sa siyam ang Thunder, 4:30 sa 4th. Subalit, mainit si Bogdanovic, nang kumana ng three 3-pointers sa nalalabing oras upang hindi makadikit nang husto ang Thunder, maliban sa walong puntos.
Nagdagdag naman si Donovan Mitchell ng 24 points at 10 asists sa Utah, habang si Jordan Clarkscon nag-ambag ng 20 off the bench.
Nakahirit ang Utah ng 23 3-pointers sa 52 attempts (44.2%), habang ang Thunder ay may combined 45 3 pointers sa nakalipas na dalawang laro.
May game-high 17 rebounds naman si Rudy Gobert, bukod sa 12 points. Sa tatlong laro ng Utah laban sa Oklahoma City ngayong season, si Gobert ay nag-average nang higit 18 rebounds kada laro.
Si Shai Gilgeous-Alexander ang nanguna sa Thunder, 33 points, may kasamang eight assists, seven rebounds at four steals, habang wala nang ibang Thunder player ang nakaiskor maliban kay Aleksej Pokuservski, 12 points.
Nagtala ang defending champions Milwaukee Bucks ng 132-122 panalo laban sa Phoenix Suns, habang wagi ang Denver Nuggets kontra New Orleans Pelicans sa overtime, 138-130. Tinalo naman ng Washington Wizards ang Indiana Pacers, 133-123 at nakaisa ang Houston Rockets sa Memphis Grizzlies, 123-112.
