CELY’S CROCODILE, ILULUNSAD NG CCP SA NOBYEMBRE 21

Sa pagsasanib-pwersa ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Intertextual Division, Philippine Board on Books for Young People (PBBY) at Tahanan Books, ilulunsad nito ang picture book na “Cely’s Crocodile: The Art and Story of Araceli Limcaco Dans” sa Nobyembre 21 sa ganap na ala-3:00 ng hapon sa pamamagitan ng CCP Intertextual Division at CCP Batang Sining Facebook pages.

Ang picture book ay tungkol sa ekstraordinaryong buhay at mga obra ng visual artist na si Araceli Limcaco Dans. Kilala siya sa kanyang mahusay na paglalarawan ng Calado, ang masinsin na mga pattern ng pagbuburda sa piña o pineapple fiber. Siya ay instrumento sa paghubog ng Fine Arts Department ng Philippine Women’s University noong 1950s.

Nilathala ng Tahanan Books, ang picture book ay isinulat ni 2019 PBBY-Salanga Prize Winner Gabriela Lee at iginuhit ni 2019 PBBY-Alcala Prize Winner Adrian Panadero. Ang CCP na founding member ng PBBY sa pamamagitan ng pagsisikap ni National Artist for Music at dating CCP president Lucresia Kasilag, ay sumusuporta sa PBBY Salanga and Alcala Prizes kada taon.

Ang publication ng “Cely’s Crocodile” ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 Anibersaryo ng CCP, habang ang paglulunsad ng e-book ay bahagi ng CCP Children’s Biennale, isang month-long series ng online events na may layuning humikayat at magpaganda ng pagkamalikhain at pagkamasining na ekspresyon sa mga bata.

Bukod sa paglulunsad ng e-book, ang mga bata ay maaaring lumahok sa iba’t ibang mga workshop kabilang ang pagsusulat, pagguhit at mga pagsasanay sa pagkulay. Ang may-akdang si Gabriela Dans Lee ay mag-uudyok sa mga batang mambabasa na makapagsulat gamit ang mga malikhaing pahiwatig habang ibinabahagi nila ang kanilang karanasan sa paglikha ng isang libro mula sa kanilang sariling pamilya. Ang illustrator na si Adrian Panadero, ang magpapakita kung paano gumuhit ng mga karakter mula sa sariling karanasan.

Available ang “Cely’s Crocodile” para sa online pre-order mula Nobyembre 15. Para makabili, magsadya sa www.tahananbooks.ph at/o sundan sila sa @tahananbooks sa social media para sa updates.

Para sa impormasyon sa CCP Children’s Biennale, magsadya sa CCP website (www.culturalcenter.gov.ph). Sundan ito sa Facebook pages at social media accounts ng CCP, CCP Intertextual Division, CCP Batang Sining at CCP Arts Education Department para sa updates.

CCP – https://www.facebook.com/culturalcenterofthephilippines

CCP Intertextual Division –https://www.facebook.com/CCPInterxtualDivision/

CCP Batang Sining –https://www.facebook.com/ccpbatangsining

CCP Arts Education Department –https://www.facebook.com/ccpartseducation/

327

Related posts

Leave a Comment