CENTRALIZED NA BASURAHAN SA BARANGAY Itinutulak para sa face mask/shield

NANANAWAGAN si Caloocan City Councilor Orvince Howard A. Hernandez sa lahat ng barangay officials na paigtingin ang laban kontra COVID-19, hindi lamang sa pagpapatupad ng ‘quarantine
protocols’ kundi maging sa tamang pagtatapon ng basura.

Ani Hernandez, ang lahat ng barangay ngayon ay dapat magkaroon ng ‘designated common trash bins’ o sentralisadong basurahan na laan lamang sa mga gamit na face masks, face shields at iba
pang personal protective equipment (PPE).

“Make no mistake about it. The new normal does not mean COVID-19 is completely gone. That’s why as early as now, we should start setting up common trash containers or designate isolated
areas in barangays solely for the disposal of used face masks, face shields, and other PPEs,” ani Hernandez.

Aniya pa: “Kailangan magsiguro tayo na contained natin ang mga materyales na ito sa isang lalagyan o lugar dahil baka may virus pa ang mga ‘to kasi ‘di ba ang gamit ng face mask at face
shield ay sanggahin ang virus para hindi pumasok sa ilong o bibig ng tao o dumikit sa mukha para hindi tamaan ng COVID-19?”

Nanawagan ang batang konsehal sa lahat ng residente sa Caloocan na makipagtulungan at suportahan ang layuning ito upang tuluyan nang masugpo ang pandemikong problema sa COVID-
19, lalo’t inaantay pa ang bakuna laban sa nakamamatay na sakit.

Nauna nang nanawagan si Caloocan City Mayor Oca Malapitan hinggil sa tamang pagtatapon ng basura. Sabi ni Malapitan, dapat ay sinusunod ng lahat ang tamang ‘segregation scheme’ sa lahat
ng kabahayan at barangay.

Si Hernandez ang presidente ng Sangguniang Kabataan Federation of Caloocan City at concurrent chairman ng Caloocan Youth Development Council.

Nanawagan ang konsehal sa mga kapwa kabataan na pamunuan ang pagpo-promote sa social media hinggil sa kahalagahan ng ‘segregation’ sa mga gamit na face masks, face shields at iba pang
PPE’s.

Ipinaalala rin ni Hernandez ang nakasaad sa Republic Act No. 9003 na lalong kilala sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 para sa paghihiwalay ng mga basurang nabubulok, hindi
nabubulok at iyong mga tinatawag na ‘hazardous waste.’ (CESAR BARQUILLA)

181

Related posts

Leave a Comment