CESAR PINANINDIGAN ANG FACTS SA “MAID IN MALACAÑANG”

(WALLY PERALTA)

SUPER controversial ngayon ang pelikulang “Maid in Malacañang” dahilan sa lalong naging mainit ang movie sa mata ng anti-Marcos nang ipalabas ang official teaser ng nasabing pelikula kamakailan lang.

Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Pilipinas ay nabuo ang isang Family Drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng Palasyo bago lumipad patungong Hawaii noong 1986.

Ang pelikula ay dinirehe ni Darryl Yap, a very well known supporters of current administration. Ang “Maid in Malacañang” ay mapanonood na sa lahat ng mga sinehan simula August 3 nationwide.

Maging ang gumanap na dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos na si Cesar Montano ay hindi nakalagpas sa mga anti- Marcos. Isa rin daw ang aktor sa mga babaligtad ng kasaysayan ng Pilipinas na kinamulatan ng mga makabagong henerasyon na Pinoy.

“Iba po itong last 72 hours of Marcoses in Malacañang na nakuha kong idea. It was totally different. I’m not saying 100% na kabaligtaran but it has empirical evidences and proof.

“Totoo po, based on facts. Iba po ang pagkaka- describe sa Marcoses during that time, the 80’s before they left, iba po ‘yung nandito sa pelikula. Tao po sila na may puso,” pahayag ng beteranong aktor

369

Related posts

Leave a Comment