CHECKPOINT AALISIN NA SA METRO MANILA

HINDI na maglalagay ng mga checkpoint ang Philippine National Police sa pagsisimula ngayong araw ng pilot implementation o pagsubok ng pagpapairal ng Alert Level System sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, itutuon na lamang ng pambansang pulisya ang puwersa nito sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

“Wala na tayong checkpoint sa operation dahil narinig naman natin ng uniform naman itong Level 4,” ani Eleazar.

Sinabi ng PNP chief na ang pagpapatupad ng granular lockdown ay hindi na bagong hakbang para sa mga pulis dahil mayruon nang limampung lugar sa Metro Manila ang naka-lockdown sa kasalukuyan bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19.

Epektibo ngayong Huwebes, September 16, iiral ang Alert Level 4 sa Metro Manila o ang ikalawang mataas na alert level na ibinatay sa dami ng COVID-19 cases at sa kapasidad ng mga ospital. (JG TUMBADO)

334

Related posts

Leave a Comment