NAGSAMPA ang DOSRI (directors, officers, stockholders, and their related interests) ng reklamo laban sa mga director at opisyal ng China Banking Corporation (CBC), China Bank Savings Inc. (CBSI), at China Bank Capital Corporation (CBCC) dahil sa umano’y paglabag sa Section 36 ng General Banking Law.
Ito ay kaugnay umano sa umaabot sa mahigit apat na bilyong pisong halaga ng pautang sa Philippine Primark Properties Inc. (Primark), isang mall development company na naging 51% na pag-aari ng SM Investment Corporation (SMIC) nang ibigay ang mga pautang.
Isinampa ang reklamo noong Hunyo 3 sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ni LKY Group President and CEO Wilbert Lee, kung saan ang mga respondents ay “kasangkot umano sa pag-apruba at pag-release ng DOSRI loans sa pinagsama-samang halaga o kabuuang 4,133,333,514.46 piso sa Primark” at “sinasadya nilang itago ang katangian ng mga pautang sa DOSRI, sadyang nabigo na sumunod sa mga kinakailangan sa pag-uulat para sa mga pautang, at sadyang hindi sumunod sa kinakailangang waiver of secrecy ng mga deposito sa bangko ng isang DOSRI borrower.”
Kabilang sa mga pinangalanan sa reklamo sina CBC Chairman and SMIC Executive Committee Chairperson Hans Sy, CBC Director and SM Prime Director Herbert Sy, CBC Director and SMIC Executive Director Harley Sy, CBC Director and SMIC Chairman Jose Sio, CBC President and Executive Director William Whang, CBC Chief Operations Officer and CBSI Vice- Chairman Romeo Uyan, Jr. at 17 iba pa sa CBC, CBSI, at mga opisyal ng CBCC.
Ang Section 36 ng General Banking Law ay nagsasaad na “walang director o opisyal ng anomang bangko ay dapat, directly or indirectly, para sa kanyang sarili o bilang kinatawan o ahente ng iba, humiram mula sa naturang bangko at hindi rin siya magiging guarantor, indorser o katiyakan para sa mga pautang mula sa naturang bangko sa iba, o sa anomang paraan maging obligor o magkaroon ng anomang kontraktwal na pananagutan sa bangko maliban sa written approval ng lahat ng mga direktor ng bangko, hindi kasama ang director concerned.”
Ang mga pautang na pinaluwal sa Primark ay pawang DOSRI transaction.
Dagdag pa sa reklamo na ang respondents ay “sinadyang itago sa BSP ang character ng pasilidad ng kredito ng pagiging isang DOSRI transaction” sa pamamagitan ng pagtatago ng SMIC’s 51% equity sa Primark “sa pamamagitan ng dummy na mga korporasyon at corporate layering.”
Kabilang sa mga paratang sa reklamo ay “ginamit na dummy corporations ng SMIC ––parehong domestic and foreign––upang itago ang pang-aabuso sa nangingibabaw na posisyon sa mall spaces leasing business ng Philippine Competition Act.”
Ayon sa reklamo, inilagak ng SMIC ang pamumuhunan sa Primark investment in Corporate Assets Investments Limited (CAIL), isang dayuhang korporasyon na nakabase sa British Virgin Islands.”
“Ang Premier Towncenter Holdings, Inc. ay buong pagmamay-ari ng Primtown Center Holdings, Inc., na kung saan ay pag- aari ng ilang direktor at opisyal ng SMIC o mga subsidiary or affiliates.”
Sa ilalim ng New Central Bank Act, “ang sadyang paggawa ng isang mali o taliwas na pahayag tungkol sa isang materyal na katotohanan sa Monetary Board o sa mga examiner ng Bangko Sentral ay parurusahan ng multa na hindi bababa sa isandaang libong piso (P100,000) o higit sa dalawang daang libong piso (P200,000), o pagkakakulong ng hindi hihigit sa limang (5) taon, o pareho, batay sa pagpapasya ng hukuman.
