CHINESE KIDNAP VICTIM NASAGIP

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group ang isang Chinese national na biktima ng hinihinalang organized kidnap for ransom group sa Pasay City, iniulat kahapon.

Ayon kay P/Col. Rudolph Dimas, acting director ng PNP-AKG, nailigtas ang 27-anyos na Chinese national na kinilalang si Sun Xia Lin sa inilunsad na rescue operation ng PNP-AKG sa Atrium Hotel sa nasabing lungsod.

Nadakip naman ang tatlong sangkot umano sa pagdukot na kinilalang si Alvin Cardeño Israel at dalawang Chinese national na sina Li Fei at Ye Hong.

May 16, 2021 nang dukutin umano ang biktima habang papunta sa isang clinic sa Makati City para sa kaniyang RT PCR test.

Dumulog sa mga awtoridad ang pamilya ng biktima matapos itong hindi pakawalan sa kabila ng pagbabayad nila ng P1.4-M sa mga kidnapper. (JESSE KABEL)

181

Related posts

Leave a Comment