KINUMPIRMA ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na inihahanda na nila ang kahilingan sa Interpol para mag-isyu ng blue notice laban kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy.
Bagama’t wala pa ang naturang notice, tiniyak ng kalihim na kasalukuyan na itong pinoproseso kaugnay ng pagkakasangkot umano ng kongresista sa maanomalyang flood control projects.
“Yes, we’re working on it. I’m asking Assistant Secretary Eli Cruz to help us with the blue notice,” ani Remulla.
Aminado rin siya na hindi ito agad maisasakatuparan dahil sa dami ng impormasyon na natanggap ng kagawaran nitong mga nakaraang araw.
“We’re still digesting all of it kasi massive yung information na dumating the past two days. And it’s not that easy to digest everything,” dagdag pa ng kalihim.
(JULIET PACOT)
255 