‘CHINESE SPY’ PANTAKIP SA BICAM SCANDAL?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NANINIWALA ang ilang geopolitical analyst na pantakip sa kontrobersyal na blanko sa bicam report ang pagkakahuli sa umano’y Chinese spy kamakailan.

Nagpahayag ng pagdududa si Professor Herman Tiu Laurel na espiya ang mga naaresto kamakailan na kinabibilangan ng isang Chinese national.

Aniya, bakit pa magpapadala ng tao ang China para lang mang-espiya gayong napaka-advance ng mga kagamitan nila.

“Yung sinasabing intelligence daw na ginagawa nitong suspek magagawa po ng mga satellites, libu-libo na po ang satellite kung China ang gagawa ng surveillance and intelligence work satellite.

They don’t need hindi na kailangan ng tao diyan sa kalsada,” ani Laurel sa isang panayam sa SMNI.

Kaya naman naniniwala ito na propaganda ng administrasyong Marcos ang pagpapalutang sa ‘spy issue’ upang matabunan ang isyu ng korupsyon at ang kontrobersyal na bicam report sa 2025 national budget na marami umanong blankong items.

Sinampahan na ng non-bailable case ang nahuling Chinese national at dalawang Pilipino dahil umano sa espionage activity o pang-eespiya sa bansa kung kaya’t malabong makalaya pansamantala ang mga ito.

AFP Nanindigan

Kaugnay nito, nanindigan ang pamunuan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na espiya ang nahuling Chinese national kamakailan matapos na maaktuhan ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation at Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa umano surveillance and reconnaissance.

Kamakalawa ay umapela ang misis ng inarestong Chinese national na kasama ng dalawang Pilipino na nagsilbing driver na itigil na ang maling balita at impormasyon tungkol sa kanyang asawa dahil hindi umano ito espiya at miyembro ng People’s Liberation Army.

Sa likod ng panawagan ng pamilya ng dinakip na Chinese national na palayain ito ay nananatili ito sa kustodiya ng militar.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, any “clandestine activity” is normally not revealed.

Inihayag pa ni Padilla na base sa mga nakalap na data mula sa mga nakumpiskang equipment sa mga suspect, naglalaman ang mga ito ng mga mapa ng critical infrastructure na hindi pwedeng baguhin o imanipula.

“So the servers contain maps of critical infrastructures, salient features like military camps. So, what would they be doing with the data on military camps and PNP (Philippine National Police) camps, and critical infrastructures,” ani Padilla.

Malinaw umano na ang aktibidad ng inarestong Chinese national ay unauthorized foreign intelligence surveillance and reconnaissance activity. (May dagdag na ulat si JESSE KABEL RUIZ)

74

Related posts

Leave a Comment