CHRISTMAS ECONOMICS INAASAHAN NA

KUMPIYANSA ang Malakanyang na mangyayari ang tinatawag na Christmas economics o pagpalo ng ekonomiya ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sinabi ni  Presidential spokesperson Harry Roque, makikita naman ang sitwasyon sa mga nagdaang araw sa lugar ng Divisoria na sobra- sobra ang tao.

Kahit  aniya mga nasa tiangge ay pinupuntahan na rin ng mga tao habang maging sa Baguio ay dinagsa ang night market na binuksan nito.

“So I think Christmas economics will happen,” ani Sec. Roque.

Kamakailan ay pinaalalahanan ni Sec. Roque ang publiko na maging maingat pa rin upang mapangalagaan ang kalusugan.

Aniya, naririto pa rin ang COVID-19 at ang bakuna ay inaasahang darating pa lang sa unang quarter ng susunod na taon. (CHRISTIAN DALE)

150

Related posts

Leave a Comment