CHUA, MORENO TINAPOS NA HIDWAANG PULITIKAL

NAGKABATI na sina Manila 3rd District Rep. Joel Chua at dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa pulitika.

Naganap ang pagkikita nitong Sabado ng hapon sa opisina ng alkalde, kung saan tumagal ng higit isang oras ang usapan. Isang kaibigan ng dalawa ang nagsilbing tagapamagitan upang maisakatuparan ang reconciliation meeting.

Dumating si Chua kasama ang kanilang common friend at nadatnan sina Rep. Irwin Tieng at Rep. Ernix Dionisio. Ayon sa mga nakasaksi, naging maayos ang pagpupulong at nagkamayan sina Chua at Moreno, na hindi na muling tinalakay ang mga nakaraang alitan.

“We simply let bygones be bygones. Para sa kapanatagan ng ating distrito, minarapat po namin na mag-usap at isantabi ang mga hindi pagkakaunawaan. Kami ay magtutulungan para sa mga batang Maynila,” pahayag ni Chua.

Sa kanyang social media post, sinabi naman ni Moreno na ipinrisinta ng tatlong kongresista ang kanilang mga plano para sa kani-kanilang distrito at pinasalamatan niya ang kanilang pakikipagtulungan.

Tiniyak ng dalawang lider na mas paiigtingin nila ang serbisyo para sa mga residente ng Maynila sa pamamagitan ng mas malapit na ugnayan ng national at local governments.

Matatandaang dating magkaalyado sina Chua at Moreno, ngunit naghiwalay ng landas nang kumandidato si Chua at nanalo sa ilalim ng partido ni dating Mayor Honey Lacuna noong May 2025 elections.

(JESSE KABEL RUIZ)

45

Related posts

Leave a Comment