CITY GARDEN GRAND HOTEL 6 BUWAN SUSPENDIDO

ANIM na buwang ipinatitigil ng Department of Tourism (DOT) ang operasyon ng City Garden Grand Hotel dahil sa paglabag nito sa batas patungkol sa kuwanratina.

Ayon sa DOT, ang paglabag sa batas na nagawa ng City Garden Grand Hotel ay ang pagtanggap nito sa 12 katao, kasama na si Christine Dacera, para sa pagsalubong sa Bagong Taon, bagama’t ang nasabing hotel ay kabilang sa mga quarantine facility na accredited ng DOT.

Bilang quarantine facility, pawang mga taong sumasailalim sa 14 araw na kuwarantina ang maaaring manatili sa City Garden Grand Hotel at hindi ito maaaring gamitin sa sama-samang kasayahan.

Ang tinutukoy na isyu ay ang isinagawang party ng pangkat ni Dacera kung saan namatay ang huli.

Ayon sa unang pagsisiyasat ng mga imbestigador ng pulisya ng lungsod ng Makati, ginahasa at pinatay si Dacera.

Ibinasura ng piskalya ang kaso laban sa 11 katao dahil walang batayan na sila ang gumahasa at pumatay kay Dacera.

Ang kaso ay nakasalang sa piskalya bilang bahagi ng “preliminary investigation” na unang ipinag-utos nito makaraang ibasura ang kaso laban sa mga akusado.

Pinagmulta rin ng DOT ang pamunuan ng City Garden Grand Hotel ng P10,000 halaga.

Maaaring iapela ng pamunuan ng hotel ang parusang ipinataw laban sa huli, banggit ng DOT.

Inulit at idiniin ng DOT na ang mga hotel na binigyan ng accreditation upang maging quarantine facility ay bawal tumanggap ng mga kliyente na magsasagawa ng kahit anong klaseng pagtitipon. NELSON S. BADILLA

149

Related posts

Leave a Comment