BINALAAN ni Senador Panfilo Lacson ang grupong nagsusulong ng revolutionary government na baka humantong ang public debate sa social unrest tungo sa civil war dahil masyadong divisive, illegal at immoral ang panukala.
Sa panayam, sinabi ni Lacson na hindi na dapat pang pag-usapan ang revolutionary government dahil sa pananaw ng halos lahat ng senador, absolutely walang justification, legal man o constitutional, sa revolutionary government.
“At ito magdudulot lang ng masama sa atin bilang bayan kasi napaka-divisive ng issue na ito at puwedeng mag-lead sa social unrest. Baka mag-plunge pa tayo sa civil war dito kapag medyo maigtingan ang (usapan) dito,” paliwanag ni Lacson.
“So mabuti na lang huwag na i-discuss o pag-usapan. Of course di natin alam ang context ng pagkabanggit ng Pangulo na i-discuss. Sabi niya kasi parang sub rosa, parang huwag pag-usapan secretly,” paliwanag pa ni Lacson.
Aniya, kung pag-uusapan, dapat ilantad sa lahat kasama ang military sa usapan.
“Pero just the same sabi ko nga kanina, si Gen Gapay mismo CSAFP ang nagsabi na hindi papayagan ng military as far as he is concerned being the CSAFP na makihalo o mag-participate sa revolutionary government,” ayon kay Lacson.
“Kasi sabi niya nga, unconstitutional,” dagdag ng senador.
Ikinabahala rin ni Lacson na kapag sinimulan ang usapan hinggil sa revolutionary government, tiyak na malaki ang magiging epekto nito sa pambansang ekonomiya tulad ng pamuhunan.
“Tumingin nga ako sa stock market parang nagpulahan lahat eh,” ayon kay Lacson.
“Ang context ng pagsabi niya huwag pagusapan nang sikreto. Kung pag-uusapan ito, i-open na lang natin ang usapan, walang usapan na tayo-tayo o kami-kami lang. Yan ang context ng pagpaliwanag ni Sec Roque,” ayon pa kay Lacson. (ESTONG REYES)
108
