CLASSROOMS SA PASAY ‘KINULAMBUAN’ KONTRA DENGUE

PINANGUNAHAN ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pag inspeksiyon at pagkabit ng kulambo o net sa bintana ng mga silid-aralan sa lungsod ng Pasay gaya ng Timoteo Paez Elementary School sa Apelo Cruz St., Malibay bilang pag-iingat laban sa Dengue ngayong panahon na naman ng tag-ulan.ININSPEKSYON kahapon ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mga public school na kakabitan ng Olyset Net ang mga bintana.

Ito ay upang maprotektahan ang mga estudyante at guro mula sa Dengue ngayong panahon na naman ng tag-ulan.

Ang Olyset Net ay isang produkto ng Japan na mabisang pangontra at pamatay sa mga mapanganib na lamok.

Sa ngayon, ang Pasay City sa pamamagitan ng programa ni Mayor Emi ay 100% nang nakabitan ng anti-Dengue net ang 1,431 classrooms.

Bibisitahin ni Mayor Emi ang mga public school para tiyaking lahat ng silid-aralan ay mayroong Olyset net ang mga bintana.

Ipag-uutos din ni Mayor Emi ang seryosong pagpapatupad ng 4 O’clock Habit program ng Department of Health (DoH) para masugpo ang dengue sa mga komunidad.

(DANNY BACOLOD)

220

Related posts

Leave a Comment