CLEANING TIPS PARA SA ATING TAHANAN

HOUSE CLEANING

Kung sa mga gawain lamang, marami tayong magagawa sa loob ng ating mga tahanan.

At sa gawaing-bahay, kailangan talaga natin dito ang sapat na oras at hindi ‘yong madalian para ang resulta nito ay maging kaaya-aya.

Saan mang kuwarto sa bahay ay may mga mahahanap tayong hindi normal, hindi maganda o wala sa ayos pero mareremedyuhan naman kung gugustuhin natin.

Alamin natin ang mga bagay na ito.

MALABONG MGA BASO

basoMayroong built-up film na nababalot sa mga baso lalo na kung matagal na ito o nalipasan na ito ng panahon.

Ang pagkalabo ng baso ay mula sa hard-water minerals at may kinalaman din dito ang mga dishwashing material na ginagamit at paraan kung paano ito gamitin (gaya ng pagkuskos).

Para matanggal ang pagkalabong ito, ibabad ang mga baso sa white vinegar sa loob ng limang minuto. Banlawan pagkatapos at patuyuin nang natural o gamitan ng microfiber cloth.

I-SANITIZE ANG MGA TELEPONO

Dapat nating mabatid na ang ating mga telepono – landline man o mobile phones – ay isa lamang sa napakaruming gamit natin sa araw-araw. Kung tutuusin ay mas marumi pa ang ating mga telepono kaysa sa toilet seat.

Tanggalin ang germs dito sa pagpunas gamit ang alcohol o alcohol wipe.

Sunod sa telopono, ubod din ng dumi ang ating mga remote control maging ang computer mouse.

Gawin ang paglilinis nang regular upang maiwasan natin ang pagkakaroon ng sakit. Maging maingat tayo sa ganito lalo na kung mayroon tayong mga bata o matatanda sa bahay dahil sila ang lapitin ng sakit dahil mahina ang kanilang mga resistensya.

LINISIN ANG CANDLEHOLDERS

Maski ang mga ganitong gamit sa bahay ay dapat nating ingatan dahil katumbas din naman nito ay pera, at kung ito ay regalo ay mas tama pa ring ingatan para magtagal ang value nito.

Dahil isa ang bagay na ito na mahirap mamantina ang linis, kailangan ding pag-aksayahan ito ng oras.

Matapos na marahang makayod o matanggal ang wax dito, natural na may matitirang kaunting wax residue pero mawawala ito kung baban­lawan gamit ang mainit na tubig at tatanggalin pa ang natitirang pang wax residue gamit ang tissue paper.

LINISIN ANG RUSTY CAST IRON

Ang over-scrubbing sa cast iron gamit ang metal scouring pads ay nakatatanggal ng seasoning mula sa inyong rusty skillet. Para ma-restore ang finish nito, gumamit ng scrub sponge para matanggal ang anumang kalawang, linisin ito gamit pa ang mild dish soap, banlawan at patuyuing maigi.

Pahiran ang loob at labas nito gamit ang vegetable oil at i-bake ito sa oven at 350 degrees sa loob ng isang oras. Palamigin at tanggalin ang excess grease gamit ang paper towel.

I-RESTORE ANG INYONG SHOWER PRESSURE

I-unclog ang inyong shower sa paggamit ng magkahalong equal parts ng white vinegar, tubig at ibuhos ito sa isang plastic bag. Ibuhol ang bag sa palibot ng shower head para ma-immerse ang holes sa solution at i-secure nang maigi sa pagbuhol. Hayaan lamang ito at ibabad nang husto sa loob ng isang oras. Matapos nito ay tanggalin at punasan ang mga natitirang deposits.

LINISIN ANG SHOWER CURTAIN

shower curtainIsa ang banyo sa mga kuwarto sa bahay na palaging dinadapuan ng dumi, germs o bacteria.

Palaging prone sa germs at bacteria ang banyo dahil palagi itong basa at naiiwan dito ang mga dumi na nasa anumang bagay na naririto. Isang halimbawa nito ay ang shower curtain.

Para mawala ang moldy spots, ilagay ang inyong plastic o vinyl curtains sa washing machine na mayroong kaunting detergent. Maglagay dito ng dalawa o tatlong bath towels para sa extra cleaning agitation, banlawan at patuyuin ito sa dryer on low heat o punasan na lamang nang maayos gamit ang malinis na basahan.

GUMAWA NG SARILING ALL-PURPOSE CLEANER

Ito ang isang do-it-yourself cleaner recipe na makatutulong sa inyo dahil isa itong mabisang all-purpose cleaner. Mabisa ito para sa inyong kitchen counters, appliances at sa loob ng inyong refrigerator).

Paghaluin ang apat na kutsarang baking soda at isang quart ng maligamgam na tubig. Gamitin ito at iaplay sa sponge para ipunas sa anuman sa mga nabanggit na pupunasan o lilinisan.

LINISIN ANG MGA BRUSH, SUKLAY

Ang mga brush at suklay ay isa rin sa maruruming gamit sa bahay.

Dahil mga buhok ang naiiwan sa mga ito ay tiyak na puno rin ito ng maruming excess oil.

Maaari itong buhusan ng liquid detergent o shampoo na inihalo sa sapat na dami ng tubig at linisan nang isa-isa ang mga brush at suklay. Pwede ring gumamit ng stick o toothpick para matanggal ang mga buhok na naririto.

alahasAYUSIN ANG NABUHOL NA MGA ALAHAS

May mga alahas na nabubuhol kapag hindi naaayos nang pagkakatanggal mula sa katawan o paglagay sa mga lagayan nito.

Kapag nabuhol ang bracelet o kwintas, maaaring lagyan ito ng baby powder. Sa paraang ito ay nagiging madulas na ang alahas at madali nang matanggal ang pagkabuhol nito. Matapos na matanggal ang buhol ay punasan ito ng malinis at makinis na basahan para mawala ang baby powder.

459

Related posts

Leave a Comment