COMELEC NO COMMENT SA ALEGASYON NI SARA NA DAYAAN SA 2025 SENATORIAL ELECTION

“NO comment” ang Commission on Elections (Comelec) sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon ng dayaan sa nakaraang May 12 elections.

Ngunit ayon kay Comelec Chairman George Garcia, iginagalang nila ang pahayag ng VP Sara at naniniwala silang malaya ang sinoman na magpahayag ng opinyon bilang bahagi ng demokrasya.

Ito ay makaraang ipahayag ng Pangalawang Pangulo ng bansa, na may tatlo pang nanalo na miyembro ng kanilang partido PDP-LABAN, na tumakbo sa pagka-senador.

Kasama rito sina Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc at Richard Moto.

Sa isang pahayag, inatasan ni VP Sara ang partido na kwestiyunin ang nangyaring proseso sa nagdaang eleksyon.

(JOCELYN DOMENDEN)

22

Related posts

Leave a Comment