MGA mhie, may kumakalat na tea tungkol sa isang mataas na opisyal ng isang government office na allegedly nag-cross ng line.
Ayon sa ating SAKSI glowie, may isang girl employee na kabilang sa mga nag-take ng Bar Exams noong 2025. Siyempre, nang lumabas ang resulta, todo kaba at excitement si ate girl habang chine-check ang listahan ng passers. Kaso, sa malas, hindi siya nakapasa. Kaya ayun, wasak ang mood at luhaan siyang umalis.
Pero imbes na dumiretso sa bahay, nag-decide daw si ate na pumasok muna sa opisina, baka sakaling malibang at makalimot kahit papaano.
Pagdating doon, napansin daw nitong si manyak na commissioner na namumugto ang mga mata ni girl. Lumapit at niyakap siya, na akala ni ate ay comfort lang. Pero plot twist, habang naka-yakap, bigla raw itinaas ni sir ang ulo ni girl at hinalikan siya. Mas lalo raw nagulat si ate girl na may halong pandidiri sa malisyosong galaw ng kanyang bossing.
Sa halip na Bar exam failure lang ang iniinda ni girl, nadagdagan tuloy ng trauma dahil sa nangyari. Ngayon, pinag-iisipan na umano ni girl kung magre-resign at magsasampa ng reklamo dahil malinaw na harassment ang ginawa sa kanya.
Nangyari raw ang eksenang ito noong January 13, 2026 sa isang ahensya sa Maynila.
Hindi pa naman maituturing na DOM si Commissioner dahil hindi pa naman siya ganun katanda. Hindi man natin ibubunyag ang pangalan, pero sure ang ating glowie na posibleng mas matindi pa ang kahaharapin niyang gulo, lalo na kung makarating ang isyu sa kanyang legal wife.
Abangan.
8
