CONCEPCION GANG MEMBER PATAY SA PNP-PRO5

NAPASLANG ng mga tauhan ni ni PNP-Police Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo ang isang miyembro ng Concepcion organized crime syndicate sa ikinasang law enforcement operation sa Brgy. Libtong, Libon, Albay.

Ayon kay P/Brig. General Estomo, target ng police operation ang napatay na si Ernanny Maraño Concepcion, isang hardcore member ng Concepcion criminal group na kumikilos sa Bicol Region, Calabarzon at maging sa Metro Manila.

Armado ng warrant of arrest, sumalakay sa Barangay Libtong ang pinagsamang puwersa ng Region Special Operation Unit 5; Regional Police Drug Enforcement Unit 5; CIDG Regional Field Unit 5; Police Intelligence Unit Albay; 1st and 2nd APFMC; Regional Mobile Force Battalion; PNP-SAF at 2nd Police Mobile Force Company Camarines Sur, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Wilfredo Sy.

Itinuturing na “armed and dangerous personality” ang suspek na sangkot sa serye ng illegal transactions of firearms, robbery/hold-up, gun for hire, carnapping at motor-napping.

Nang ilunsad ang law enforcement operation sa lugar na itinuro ng police informant ay hindi nakita ang nasabing miyembro ng sindikato.

Ngunit nang lisanin ng mga operatiba ang sinasabing lungga ng suspek ay tinambangan umano ang grupo ng RSOU5, na pinamumunuan ni P/Maj. Ramon D. Solas, ng armadong kalalakihan na hinihinalang mga kasapi rin ng Concepcion criminal gang.

Bunsod nito, nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok bago nagkanya-kanya sa pagtakas ang mga suspek at iniwan ang isang sugatan nilang kasamahan.

Pinilit pa ng mga pulis na itakbo sa JDMPH Ligao City Hospital ang sugatang suspek ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician. (JESSE KABEL)

128

Related posts

Leave a Comment