SINISISI ni Senador Grace Poe sa kawalan ng masusing pagpaplano at epektibong pamumuno ang kakapusan sa supply ng tubig sa bansa.
Giit ng senador, mahalaga ang water at sanitation services bilang basic human rights kung kaya’t malaking hamon sa mga water concessionaire na magbigay ng malinis na tubig.
Binanggit ni Poe ang lumalaking populasyon at ang pangangailangan ng maraming mapagkukunan ng tubig bilang pinakamahalagang hamon sa pagbibigay ng malinis na inuming tubig.
Binigyang-diin din ng senador ang pangangailangan na gawing abot-kaya ang pag-access sa tubig.
“If the population continues to grow while water sources remain constant, we will have a critical national shortage very soon. This is simply the law of supply and demand,” sabi ni Poe.
Sa isang pag-aaral na ginawa noong 2018, ipinakita ang datos na sa kabuuang populasyon na 107 milyong Pilipino, ang kakayahang magamit ang tubig na inilaan bawat taon ay 1,553 cubic meter
sa isang taon na mas mababa sa international water stress threshold na 1,700 cubic meter sa isang taon at malapit nang magkulang ng 1,000 cubic meter sa isang taon.
“Today, millions of Filipino households still do not have access to safe drinking water nor sanitary toilet facilities. There are also reports of regions that suffer debilitating droughts every year,” sabi nito.
Ang isa pang hamon na dapat aniyang harapin ay ang tubig ay tanging mapagkukunan na may maraming gamit na nakikipagkumpitensya sa bawat isa, mula sa lokal hanggang munisipyo at pang-industriya na layunin.
“If our agricultural areas are adversely affected, food security is threatened. If we cannot even wash our hands, how do we win the fight against covid?” dagdag pa nito. (NOEL ABUEL)
269
