CONG. MEOW BARZAGA SINIBAK NA SA RESERVE FORCE NG AFP

KINUMPIRMA kahapon ng Philippine Army ang isinagawang delistment kay Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga mula sa kanilang Reserve Force, effective 21 September 2025.

Ayon kay Col. Louie Dema-ala, ang nasabing aksyon ng Hukbong Katihan ay kasunod ng masusing pag-aaral sa sirkumstansya kaugnay sa kaso nito batay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Rules and Regulations, specifically GHQ, AFP SOP No. 7, “for actions deemed equivalent to grave offenses.”

Inihayag din ni Col. Dema-ala na isa sa mga naging batayan sa delistment ni Cong. Meow Barzaga ang pagpapahayag umano nito sa social media na tila nanghihikayat ng pag-aaklas habang nakasuot ng uniporme.

“Representative Kiko Barzaga was delisted over the release of his statements on social media, as he was insinuating sedition with an attached photo of him in military uniform. Such statements endanger the Armed Forces’ position as a non-partisan organization,” ani Dema-ala

Dahil dito, nawala kay Rep. Barzaga ang kanyang status bilang kasapi ng AFP Reserve Force at hindi na awtorisadong magsuot ng military uniform kailan man. Base ito sa Revised Penal Code Article 177 (Usurpation of Authority of Official Function) and RPC Article 179 (Illegal Use of Uniforms and Insignias).

Inalis na rin sa kanya ang karapatan na ma-commission sa AFP Regular o Reserve Force sa mga darating na panahon.

Bagama’t ikinalulungkot ng Hukbong Katihan ang naging aksyon ay pinananatili lamang umano ng militar ang kanilang commitment to discipline, integrity, at accountability.

“We do not condone violations of military regulations, regardless of status or position, as part of our duty to preserve the professionalism and credibility of the organization,” ani Dema-ala.

Nilinaw pa ng opisyal na ang ipinataw na administrative action ay hindi sumasalamin sa personal character o public service record ni Rep. Barzaga.

Naninindigan ang Philippine Army na mananatili silang tapat na tumutupad sa kanilang misyon na pagsilbihan ang sambayanang Pilipino nang may dangal, makabayan at pagtalima sa kanilang sinumpaang mandato.

(JESSE RUIZ)

7

Related posts

Leave a Comment