CONGRESS LEADERSHIP DAPAT MANINDIGAN

FOR THE FLAG

Hindi sapat ang motherhood statement na gagawin ng mga frontrunner sa Senate presidency at House speakership ang legislative agenda ng administras­yon. Hindi sapat na sasabihin na lamang nila na magiging independent ang Mataas at Mababang Kapulu­ngan sa ilalim ng kanilang liderato.

Tama na ang bolahan, kailangang ihayag nila sa sambayanan ang kanilang posisyon at plano para sa mga specific issues.

Ang mga frontrunner sa Senado at Mababang Kapulungan ay dapat na magpahayag ng malinaw na stand sa mga sumusunod na mga isyu:

1) Foreign policy

2) Death penalty

3) Trade at peace relation ng bansa sa Tsina, Estados Unidos, Japan, etc.

4) Peace talks sa mga kaliwa

5) Renewal ng prangkisa ng ABS-CBN

6) Federalism

7) Pagbabalik ng pagiging compulsory ng ROTC

8) Reduction ng age of criminal liability ng mga menor-de-edad

9) Employment generation in line sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na eventually mawala na ang mga overseas Filipino worker at manatili na sila rito sa bansa para sa paghahanapbuhay

10) Reopening ng Bataan Nuclear Power Plant

11) Stand on disputed territories kasama na ang Sabah

12) Sa Agrikultura lalo’t maraming agri-products ay itinatapon na lamang

13) Traffic sa Metro Manila at mga key city

14) Pagbasura sa Smartmatic

15) SMEs

16) Mining

17) Use of coal sa power generation

18) Usage of EDSA considering na ang provincial buses ay 3% at ang mga UV Express naman ay 3% lamang ang naookupa sa gamit ng EDSA

19) Coco levy fund

Marami pang mga specific issues na nararapat na bigyan ng malinaw na stand ang nangangarap na mga lider ng dalawang kapulungan, pero maaari na silang magsimulang magbigay ng linaw sa mga nasabing mga isyu.

Tama na ang bolahan, naiinip na rin ang taumbayan. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

144

Related posts

Leave a Comment