HINDI nakalusot sa mga makabagong x-ray machine ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangkang pagpupuslit ng mga gagamba mula pa sa bansang Poland sa Central Mail
Exchange Center (CMEC), sa lungsod ng Pasay.
Arestado rin sa isinagawang operasyon ng BOC-Port of NAIA Enforcement and Security Service Environmental Protection Compliance Division (ESS-EPCD) ang hindi pinangalanang consignee ng mga nasabing gagambang nagkakahalagang P75,000.
Aktong kinukuha ng suspek ang bagaheng idineklarang pinagtabasang papel na angkop ng origami – isang uri ng sining mula sa bansang Japan. Subalit bago pa man ang pagdakip, nakaantabay na ang mga operatiba sa taong kukuha ng kargamentong nabisto makaraang idaan sa makabagong x-ray machine na binili kamakailan ng kawanihan.
Kasong paglabag sa Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang nakatakda namang isampa sa nasabing indibidwal. (JO CALIM)
132