CONTINGENCY PLAN PARA SA OFWs SA TAIWAN, PINALALATAG

HINIKAYAT ni Senador Raffy Tulfo ang national government at mga concerned agencies na bumuo na ng contingency plan para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Ayon kay Tulfo, ngayon pa lang ay dapat nang maglatag ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Labor & Office (POLO) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng coordinated plan para matiyak ang kaligtasan ng mga pilipinong manggagawa sa Taiwan at iba pang mga kalapit bansa nito.

Iginiit ng senador na hindi dapat balewalain ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Dapat aniyang maging proactive ang pamahalaan sa isyung ito at huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon bago kumilos lalo na’t tinatayang nasa 200,000 OFWs ang nasa Taiwan.

Sa paghahanda ng contingency plan, sinabi ng mambabatas na dapat ikonsidera ang maraming factor gaya ng kaligtasan at funding assistance para sa mga OFW.

“In my experience of helping OFWs in the past two decades, the government agencies, often times, were very reactive instead of proactive. Kapag nandiyan na ang gulo at problema, yung tipong na-stuck na ang OFWs sa ibang bansa, wala ng pera at makain, tsaka lamang sila kikilos. Hindi dapat ganoon!” diin ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)

211

Related posts

Leave a Comment