CONTRACTOR, ITINUMBA SA HARAP NG BAHAY

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang hinggil sa pagkamatay ng isang 42-anyos na contractor na malapitang pinagbabaril ng ‘di nakilalang gunman sa harapan ng kanyang bahay sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jay Atienza y Abraham, may asawa, ng Phase 8, Block 33, Lot 8, Saona St., Wellington Place, Brgy. Pasong Camachile II, Gen. Trias City.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na inilarawang nakasuot ng puting t shirt, short pants at baseball cap, na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa ulat ng Gen. Trias CPS, maglilinis sana ng kanyang motorsiklo ang biktima sa harapan ng kanilang bahay dakong alas-8:45 ng gabi nang lapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa General Aguinaldo College Medical Center subalit hindi na umabot nang buhay. (SIGFRED ADSUARA)

381

Related posts

Leave a Comment