COPS KILLER PATAY SA ENGKWENTRO

DEAD on the spot ang sinasabing responsable sa pagpatay sa dalawang Bulacan police noong Marso 8, 2025, kasunod ng sagupaan sa Zone 7, Barangay Bacagan, Baggao, Cagayan nitong Miyerkoles, Hunyo 4, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Xander”, may kinahaharap na warrant of arrest kaugnay sa pagpaslang kina PSSg. Dennis G. Cudiamat at PSSg. Gian George N. Dela Cruz, parehong miyembro ng Bocaue Municipal Police Station.

Nabatid na napatay ang suspek sa isinagawang law enforcement operation ng pinagsanib na puwersa ng Baggao Police Station (lead unit), Regional Intelligence Division 2 at 3, Regional Intelligence Unit 2 at 3, Provincial Intelligence Unit-Cagayan PPO, Provincial Intelligence Unit-Bulacan, 204th Maneuver Company RMFB2, 1st PMFC, at Bocaue Police Station, upang ipatupad ang nasabing warrant of arrest.

Habang isinasagawa ang intelligence driven operation, sinalubong sila ng sunod-sunod na putok mula sa suspek na sumigaw ng “‘Di ako papahuli nang buhay!”

Napilitan ang mga alagad ng batas na gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang yunit ng Glock firearm na may serial number PNP50742, pinaniniwalaang armas na pagmamay-ari ng isa sa napatay na mga pulis sa Bocaue, Bulacan.

(JESSE KABEL RUIZ)

42

Related posts

Leave a Comment