CORONAVAC TANGGAP NA NG 86% STAFF NG CALOOCAN HOSPITAL

PABOR na ang mga medical staff ng Caloocan City Medical Center (CCMC) sa CoronaVac, ang anti-COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac at sa kasalukuyan ay 86 porsyento na sa mga ito ang nais magpabakuna.

Ito ang masayang ibinalita noong Lunes ni CCMC Administrator Dr. Fernando Santos kay Mayor Oscar Malapitan matapos ang isinagawang vaccination rollout noong Biyernes.

Mula sa inisyal na 149 health workers, umabot na sa 395 ang nais magpabakuna sa CCMC, na may kabuuang 457 health workers.

Nasa 105 hospital staff ang natapos bakunahan noong Biyernes, na pinangunahan mismo nina Dr. Santos at City Health Officer Dra. Evelyn Cuevas.

Ayon kay Dr. Santos, wala namang naitalang adverse effects sa mga nabakunahan.

Nagpasalamat naman si Malapitan sa mga doktor, nurse at sa lahat ng kawani ng ospital na nagpabakuna kontra COVID-19. (ALAIN AJERO)

175

Related posts

Leave a Comment