COVID-19 CASES BUMABA PA PERO ‘DI PA HANDA SA ALERT LEVEL 2 – OCTA

BUMABA pa umano sa 0.63 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region (NCR) na inaasahan pang lalong bababa pagsapit ng Pebrero, ayon sa OCTA Research Group.

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, nakikita nila na aabot na lamang sa mas mababa sa 500 ang arawang bagong kaso sa NCR pagsapit ng Pebrero 14.

Sa kabila nito, naniniwala naman si Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians, na hindi pa handa ang Metro Manila sa Alert Level 2 sa Pebrero.

Naniniwala siya na sa kabila ng pagbaba ng mga kaso, hindi aktuwal na nasusukat ang totoong dami ng kaso sa rehiyon dahil marami sa mga infected ang ayaw magpa-test.

Maaari umano na maglabas na ng desisyon ang gobyerno pagsapit ng kalagitnaan ng Pebrero kung ibaba na ang alert level sa NCR.

Sa kabila nito, inamin naman niya na nakakahinga na ngayon ang healthcare ng Metro Manila dahil sa mas mababang kaso. Nakatutugon na ngayon ang mga healthcare worker sa mga pasyente na may ibang sakit. (RENE CRISOSTOMO)

186

Related posts

Leave a Comment