HABANG papalit ang pagbubukas ng second regular session ng Kongreso, muling nadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan. Inanunsyo ni House Secretary Geneneral Jose Luis Montales nitong Lunes na isa pang congressional staff ang nagpositibo sa nasabing virus kaya umabot na sa 17 kaso ang naitala sa Kamara.
“Another Congressional staff has tested positive for COVID-19. The staff reported for work last July 14 and 16,” pahayag ni Montales ngunit hindi nagbigay na detalye kung kanilang staff ang bagong biktima ng COVID-19.
Noong nakaraang linggo, Hulyo 14, inulat ni Montales ang ika-15 at 16 kaso ng COVID-19 case sa Kamara na kinabibilangan ng isang staff ng Congressman at isang security personnel.
Sa mga nabanggit na bilang, dalawa sa mga ito ang namatay sa katauhan ng isang staff mula sa printing office at chief of staff (COS) ng isang mambabatas mula sa Bicol Region.
“Again, we emphasize that we need to strictly follow the health protocols specified in our Guidelines dated 1 May 2020 and Supplemental Guidelines dated 4 July 2020. Nothing short of collective action can keep everyone safe,” ani Montales.
Sa Lunes, Hulyo 27, ang simula ng second regular session ng 18th Congress na bubuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanyang pag-uulat sa bayan o State of the Nation Address (SONA).
Wala pang pormal na abiso ang Kongreso kung tatanggap sila ng mga bisita sa SONA ni Duterte maliban sa impormasyon na 25 Congressmen at 12 senador lang ang papayagan sa loob ng session hall ng Kapulungan. (BERNARD TAGUINOD)
