NAPAKALAKI ng suliranin ng administrasyon ni Mayor Ma. Josefina “Joy” Belmonte sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil napakalaki ng bilang ng mga residente ng Quezon City na tinamaan ng nasabing sakit.
Mahigit 7,000 na ito kahapon at tiyak tataas pa ito dahil hindi malinaw ang estratehiya ni Belmonte laban sa COVID-19.
Pero, kahit malaki ang problema sa COVID-19, ‘pinapasok’ na umano ang “online sabong” ni alyas “Ato” sa Quezon City.
Ang online sabong na ito ay ilegal dahil maliban sa walang lisensya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay wala rin itong business permit sa mga lungsod at bayan kung saan ito nagpapataya sa pamamagitan ng “computerized betting system.”
Ang ilegal na online sabong ni Ato ay nakabase umano sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas.
Maliban sa ilegal online sabong, mayroon na ring “Perya ng Bayan” sa Quezon City.
Mayroong ilegal na mga sugal umano ang peryahang ito, ayon sa impormasyong nakarating sa Badilla Ngayon.
Ang nagpapatakbo nito ay isang alyas “Peryong” na sabi ng kasamahan ko sa Saksi Ngayon ay “malakas” sa administrasyon ni Joy Belmonte ang Peryong na ito.
Ang Peryong na ito ay “untouchable” sa administrasyon ni Belmonte, kaya ipinagmamayabang nito sa mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni Brig. Gen. Ronnie Montejo at mga tao sa city hall na siya ang rektang nakikipag-usap sa isang alyas “I” na malapit umanong kamag-anak ni Mayor Belmonte.
Dahil sa ganitong kalagayan ni Peryong, hindi makaporma si Montejo at ang isang alyas “Jess” dahil bukod sa takot sa pamato ni Peryong na ikinakalat rin nito na kasosyo niya si “I” sa ilegal na Perya ng Bayan sa Quezon City.
Ang lohika rito ay kung totoo ang impormasyong ito, natural lamang na mahihirapang magsiga-sigaan at mambraso si Jess kay Peryong dahil baka ma karating ito sa kausap ni Peryong mula sa malapit na kamag-anak ni Mayor Belmonte.
Ito kasing Jess na ito ay nambraso dati sa nagbabantay ng ilegal na pasugalan sa Cubao.
Nag-ikot din ang taong ito sa mga KTV Bar at bahay-aliwan sa lungsod upang matiyak ang lingguhang tara para sa kanyang ‘boss’ sa QCPD.
Ano ang masasabi ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Maj. Gen. Debold Sinas sa kalunus-lunos na kalagayan ni Montejo?
Ang isa pang malaking problema ni Mayor Belmonte ay ang talamak na ilegal na droga.
Kahit kumikilos ang QCPD, halos araw-araw pa ring kumikilos ang sindikato ng ilegal na droga sa Quezon City.
Araw-araw, may nahuhuli ang mga tauhan ni Montejo na mga sangkot sa bentahan, o paggamit ng bawal na gamot, kung saan libu-libo hanggang milyun-milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride (shabu), o marijuana ang nakukumpiska sa mga suspek.
Malinaw naman ‘yan sa mga ulat na inilalabas ng Public Information Office (PIO) ng QCPD.
Minsan, idiniin ni Mayor Joy Belmonte sa text messages niya sa akin na “good governance” ang kanyang pinaiiral sa kanyang pamumuno sa pamahalaang lokal ng Quezon City.
Maganda, sapagkat ‘yan naman ang nararapat.
Sa loob ng City Hall, hindi maipagkakaila ninuman na malaki ang iniunlad nito sa loob ng siyam na taong panunungkulan ni dating Mayor Herbert “Bistek” Bautista.
Maraming nagawa si Bautista sa lungsod na puwedeng paunlarin at palawigin pa ni Belmonte kung totoong nakabatay sa good governance ang kanyang gabay sa pamumuno sa City H all.
Walang katiwalian at korapsyon ang ilan sa natutunan ko sa pagkuha ng Master of Public Administration (MPA) sa University of the Philippines – National College of Public Administration and
Governance (UP-NCPAG).
Alam kong alam na alam ni Belmonte na napakahalaga nito sa magandang pamamahala.
Ngunit, korapsyon ang isa pang matinding kalaban ni Mayor Belmonte, maliban sa COVID-19, ilegal na sugal at ilegal na droga.
Ang matunog ngayon na obligadong alamin ni Belmonte na isiniwalat ng Saksi Ngayon ay ang P17,865,000 na ibinabayad ng admi nitrasyon ni Joy Belmonte kada buwan para sa COVID-19 testing project.
Maliban sa mahigit P17 milyon, humigit-kumulang na P107 milyon ang babayaran ng administrasyong Belmonte sa loob ng anim na buwan dahil inuupahan nito ang laboratoryong ginagamit sa pagtitsek sa mga taong pinaniniwalang tinamaan ng COVID-19.
Sino ba ang panalo sa kontratang ito?
Ayon sa nakakaalam sa pagsubasta ng kontratang ito, dalawang korap na mga tauhan ni Belmonte ang pumabor sa kontratista ng nasabing multi milyong halaga ng proyekto.
