PATULOY sa pag-angat ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 205 bagong kaso, base sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4 ng hapon ngayong May 18, 2020.
Sa nasabing bilang, 145 ang naitala sa National Capital Region (NCR), sa Region 7 ay walo (8) at 52 mula sa iba’t ibang rehiyon.
Kasabay nito, inanunsyo ng DOH ang bagong 94 recoveries kaya ang kabuuang bilang nito ngayon ay 2,729.
May naitala namang pitong nasawi kaya umakyat sa 831 ang kabuuang bilang nito.
Samantala, pinangangambahan namang tumaas ang kaso ng COVID-19 matapos magdagsaan ang mga tao sa pagbubukas ng mga mall sa Metro Manila at Cavite.
Muling nagbukas ang mga mall noong nakaraang Sabado (May 16) at base sa mga kumalat na larawan sa social media ay dinumog ang mga ito ng mga shopper.
Isa umano ang SM North EDSA sa mga hindi nakasunod sa physical distancing. JOEL O. AMONGO
